Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 45,591 total reads

Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod sa Simbahan, kundi isang konkretong pagpapahayag ng pagmamahal sa Diyos at sa kapwa.

Sa kanyang homiliya sa opening liturgy ng ikaapat na pilgrimage tour ng imahen ni San Tarcisio ng Roma sa Novaliches Cathedral, binigyang-diin ng obispo na ang tunay na paglilingkod ay dapat nagmumula sa puso at naisasabuhay maging sa labas ng simbahan.

“Serving is not just wearing an attire. Serving is not just not committing mistakes, but serving really is a manifestation of your love for God and for others,” ayon kay Bishop Gaa.

Hamon ng pastol sa mga sakristan na suriin ang kanilang paglilingkod kung ito ay nauuwi lamang sa pagsunod sa mga ritwal at tuntunin o tunay na nagmumula sa pagmamahal sa Diyos at sa kapwa.

“Is it all rituals? Are all the rules? Or is it your love for God and for your neighbor?” aniya.

Paliwanag ni Bishop Gaa na hindi dapat manatili sa loob ng simbahan ang pagmamahal na natututuhan sa paglilingkod, kundi dapat itong makita sa pakikitungo ng mga kabataan sa kanilang pamilya, paaralan, mga kaibigan, at maging sa mga hindi nila nakakasundo.

Samantala, sa panayam ng Radyo Veritas, sinabi ni Bishop Gaa na mahalaga ang ministry of altar servers dahil nakatutulong itong hubugin ang pagpapahalaga at pagkatao ng mga kabataan.

“Kadalasan nga po, ang pagse-serve ay isang ritwal lamang at isang gawain na dapat nating gawin nang hindi nagkakamali. Pero sa totoo lang po, ang paglilingkod ay formative. It forms your values, what is significant, and your heart,” ayon kay Bishop Gaa.

Binigyang-diin ng obispo ng Novaliches na maaaring maging daan ang paglilingkod ng mga sakristan upang unti-unti nilang matuklasan ang kanilang bokasyon, kabilang ang buhay bilang pari o bilang consecrated person.

Kabilang sa mga tampok sa pagtitipon ang holy hour for vocations at vocation jamboree kung saan 44 na mga kongregasyon ang lumahok sa vocation promotion.

Inihalimbawa ni Bishop Gaa si San Tarcisio, na ayon sa tradisyon ay nagbuwis ng buhay upang mapangalagaan ang Banal na Eukaristiya habang dinadala ito sa mga Kristiyanong nakabilanggo noong panahon ng pag-uusig sa mga Kristiyano.

Aniya, ipinamalas ni San Tarcisio na ang paglilingkod ay hindi lamang tungkol sa mga gawain at ritwal kundi sa kahandaang magsakripisyo bilang pagpapakita ng pagmamahal.

“For him, it was not just rites, it was not just tasks, but it was a sign of his love for God and for others that he was willing to sacrifice his life to manifest that love,” dagdag pa ng obispo.

Hinimok niya ang mga sakristan na gawing pundasyon ng kanilang paglilingkod ang pagmamahal at pagpapahalaga sa Diyos at sa kapwa.

Dumalo sa pagtitipon ang mahigit 1,700 sakristan mula sa mga diyosesis ng Novaliches, Antipolo, Cubao, at Malolos.

Bibisitahin naman ng pilgrim tour ang halos 100 parokya sa apat na diyosesis hanggang Disyembre, kung saan isasagawa ang closing liturgy sa Diocesan Shrine and Parish of Saint Mary Magdalene sa Pililia, Rizal, na sakop ng Diocese of Antipolo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 223,089 total reads

 223,089 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 254,820 total reads

 254,820 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 356,644 total reads

 356,644 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 397,206 total reads

 397,206 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 408,912 total reads

 408,912 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top