Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Misa, inialay sa paggunita ng Ika-25 taong anibersaryo ng pagiging martir ni Fr.Gallardo

SHARE THE TRUTH

 5,914 total views

Pinangunahan ni Cubao Bishop Elias Ayuban, Jr., CMF ang Banal na Misa bilang pagsisimula ng pagdiriwang ng ika-25 anibersaryo ng pagiging martir ni Claretian missionary Fr. Rhoel Gallardo.

Ginanap ang pagdiriwang sa Gallardo Hall ng Claret School sa Quezon City, nitong February 6, kasabay ng paggunita kay San Pedro Bautista, martir at isa sa mga nagpalaganap ng pananampalataya sa ngayo’y kinasasakupan ng Diyosesis ng Cubao.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Ayuban, maituturing na biyaya mula sa Diyos ang pagkakataong sabay na gunitain ang dalawang martir na nag-alay ng buhay para sa pananampalataya.

“I am a witness to the life of Fr. Rhoel. We were together in the seminary and it’s very providential that we celebrate this launching on the occasion of the feast of St. Pedro Bautista, also a martyr, and one of the founders of the Church of Cubao,” ayon kay Bishop Ayuban.

Si Fr. Gallardo, kasama ang ilang guro at mag-aaral ng Claret School of Tumahubong at mga karatig na paaralan sa Basilan, ay binihag ng grupong Abu Sayyaf at dinala sa kampo ng mga rebelde sa Bundok Punoh Muhadji.

Sa loob ng 44 na araw, dumanas sila ng matinding pagpapahirap hanggang sa tuluyang magbuwis ng buhay si Fr. Gallardo noong May 3, 2000, sa edad na 34—halos limang taon matapos ordinahan bilang pari.

Samantala, matapos ang Misa ay isinagawa naman ang media launching at press conference para sa pelikulang “In Thy Name” na naglalayong ipakita ang pagmimisyon at pag-aalay ng buhay ni Fr. Gallardo alang-alang sa pananampalataya.

Hinikayat ni Bishop Ayuban ang lahat na suportahan at panoorin ang pelikula at gawing inspirasyon ang buhay ng paring martir, na buong pusong sumunod kay Kristo.

“It would bring us a lot of insights, how Fr. Rhoel offered his life, how he denied himself, how he took up his cross and followed the Lord until the last drop of his blood. It would inspire us to be more dedicated missionary disciples following the footsteps of Jesus Christ,” saad ni Bishop Ayuban.

Gagampanan ng aktor na si McCoy de Leon ang buhay ni Fr. Gallardo, kasama sina JC de Vera, Mon Confiado, Jerome Ponce, Aya Fernandez, at marami pang iba.

Ang pelikula ay likha ng Viva Films at GreatCzar Productions sa direksyon nina Cesar Soriano at Rommel Galapia Ruiz, at nakatakdang ipalabas sa March 5, 2025.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Labanan ang structures of sin

 15,698 total views

 15,698 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »

Huwag palawakin ang agwat

 26,676 total views

 26,676 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 60,127 total views

 60,127 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »

Walang education crisis?

 80,476 total views

 80,476 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 91,895 total views

 91,895 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Bishop Bagaforo, nahirang sa FABC

 7,456 total views

 7,456 total views Hinirang ng Federation of Asian Bishops’ Conference (FABC) si Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo bilang Bishop Member ng FABC Office of Human Development

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagkaaresto kay Digong, tagumpay ng katarungan

 10,555 total views

 10,555 total views Itinuturing ng Alyansa Tigil Mina (ATM) bilang tagumpay ng katarungan ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top