Impeachment complaint laban kay VP Duterte nasa Senado na

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,320 total reads

Inaprubahan ng Mababang Kapulungan ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte sa huling araw ng sesyon ng Kamara.

Ang hakbang ay dulot ng mga paratang laban sa kanya, kabilang ang pakikipagsabwatan upang ipapatay si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., malawakang katiwalian, pang-aabuso sa pondo ng gobyerno, at pagkakasangkot sa mga extrajudicial killings.

Ayon sa ulat, 215 mambabatas ang bumoto pabor sa pitong Articles of Impeachent laban sa Bise Presidente.

Ang hakbang ay magiging daan para sa paglilitis sa Senado, kung saan haharapin ni Duterte ang kaso sa Impeachment Court.

Itinalaga naman ng Kamara ang 11-mambabatas na tatayo bilang Prosecution Panel na binubuo nina Rep. Gerville R. Luistro, Romeo Acop, Rodge Gutierrez, Joel Chua, Jil Bongalon, Loreto Acharon, Marcelino Libanan, Arnan C. Panaligan, Ysabel Maria J. Zamora, Lorenz R. Defensor, at Jonathan Keith T. Flores.

Ang impeachment complaint laban kay Duterte ay nakatuon sa anim na pangunahing paratang na kinabibilangan ng: Pakikipagsabwatan sa Planong Pagpaslang; Paglustay sa P612.5 Milyong Confidential Funds; Panunuhol at Katiwalian sa DepEd; Hindi Maipaliwanag na Yaman at Pagkabigong Ipagbigay-alam ang mga Ari-arian; Pagkakasangkot sa Extrajudicial Killings (Davao Death Squad); at Destabilization, Insurrection, at Public Disorder

Makaraang pagtibayin sa Mababang Kapulungan, agad na ipinadala ni Speaker Romualdez ang mga Articles of Impeachment sa Senado, kung saan haharapin ng Pangalawang Pangulo ang paglilitis sa Impeachment Court.

Kinakailangan na lamang ng two-thirds vote ng Senado upang hatulan at tanggalin si Duterte sa puwesto.

Sakaling mapatunayang nagkasala, siya ay hindi na maaring humawak ng anumang pampublikong posisyon sa hinaharap.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 64,180 total reads

 64,180 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 143,034 total reads

 143,034 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 176,479 total reads

 176,479 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 211,778 total reads

 211,778 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 435,695 total reads

 435,695 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top