Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Misa para sa jubilee for Digital Missionaries and influencers, pinangunahan ni Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

 11,483 total views

Pinangunahan ni Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle, pro-prefect of the Dicastery for Evangelization ang pagdiriwang ng banal na misa para sa paggunita ng “Jubilee for Digital Missionaries and Catholic Influencers” sa St. Peter’s Basilica sa Roma.

Sa kanyang pagninilay ay binigyang diin ng Cardinal na kaakibat ng pagiging isang digital missionaries at influencers ang pagiging misyonera ng Mabuting Balita ng Panginoon.

Ayon kay Cardinal Tagle, bahagi ng tungkulin ng mga digital missionaries at influencers ang kahandaang tumugon sa misyong palaganapin ang pananampalatayang Kristiyano hanggang sa digital space kasabay ng pagtalakay sa kahalagahan ng Salita ng Diyos sa kasalukuyang modernong panahon.

“The Jubilee invites us to scrutinize the intention that fuels the influence our contemporary world wants to effect, the change we desire is often connected to the means we used to influence people and situations…

You are not only influencers, you are also missionaries.” Bahagi ng pagninilay ni Cardinal Tagle.

Kinundina naman ni Cardinal Tagle ang hindi naaangkop na paggamit ng tinuran nitong ‘nakalalasong’ uri ng impluwensya na sumisira sa puso ng tao at maging ng lipunan.
Partikular na inihalimbawa ng Cardinal ang paninira ng kapwa, panunuhol, paggamit ng dahas o kaya naman ay paglabag sa batas upang maimpluwensyahan ang iba sa larangan ng pulitika at usaping pambansa.

“To influence the results of political elections, some candidates bribe the voters while destroying the reputation of their opponents, to influence persons or organizations to accept financial deals, some threatens them with black mail, to influence people to embrace beliefs and ideologies, some used coercion and brainwashing, to influence their enemies into submission, some powerful persons and nation resort to war – bombing and forced starvation.” Dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Hinamon naman ng Cardinal ang mga digital missionaries at influencers na tanggapin si Hesus sa kanilang buhay upang mas maging mahusay at mas epektibong tagapagbahagi ng Salita ng Diyos sa kasalukuyang panahon.

Mensahe ni Cardinal Tagle, “Dear Missionary influencers, let the love God in Jesus and the Holy Spirit prevent various poisonous influences from flowing into human heart and societies… When you accept Jesus in your life, you will be on fire, a zealous influencer. When you welcome Jesus in your life, you will be an influencer who listen to Jesus’ words and acts on it. When you welcome Jesus, you will be an influencer bringing Jesus’ voice so, people could get out of their tombs.”

Batay sa tala aabot sa mahigit 1,000 mga delegado mula sa 75-mga bansa ang mga nakibahagi sa kauna-unahang paggunita ng Jubilee for Digital Missionaries and Catholic Influencers na isinagawa sa Roma noong ika-28 hanggang ika-29 ng Hulyo, 2025.

(with Veritas Intern Michael Encinas)

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Abot-kamay pa ba ang pananagutan?

 5,071 total views

 5,071 total views Mga Kapanalig, ang desisyon ba ng Korte Suprema ay parang utos mula sa langit? Para ba itong utos ng hari na hindi mababali? 

Read More »

Abot-tanaw na ang Bagong Pilipinas?

 24,756 total views

 24,756 total views Mga Kapanalig, nagsimula na noong nakaraang Lunes ang ikadalawampung Kongreso. Kasabay ng pagbubukas ng sesyon ng Kongreso ay ang ikaapat na State of

Read More »

LEGISLATIVE HOUSEKEEPING

 62,699 total views

 62,699 total views Senate President Francis Escudero., a master of heist? o isang magaling na hunyango? Kapanalig, ang isang hunyango ay magaling magtango., eksperto sa pag-adopt

Read More »

LEGACY OF CORRUPTION

 80,971 total views

 80,971 total views In St. Paul’s Letter to the Philippians, we find echoes of this lofty ideal: Christ Jesus “emptied himself, taking the form of a

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

DA,kinilala ng FFF

 3,500 total views

 3,500 total views Kinilala ng Federation of Free Farmers ang pagbibigay ng prayoridad ng Department of Agriculture sa sektor ng mga Pilipinong magsasaka ng palay. Ayon

Read More »

RELATED ARTICLES

CLCNT, dismayado sa Korte Suprema

 31,895 total views

 31,895 total views Dismayado ang Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) sa naging desisyon ng Korte Suprema na nagdeklarang unconstitutional ang impeachment laban kay Vice

Read More »
Scroll to Top