205 total views
Hindi ligtas si Moro National Liberation Front founding chairman Nur Misuari kasong rebellion at “violation of international humanitarian law” na isinampa sa kanya ng Zamboanga City local government kaugnay ng Zamboanga siege.
Nilinaw ni San Beda College Graduate School of Law dean Father Ranhillo Aquino na ang sinuspende lamang ang bisa ng warrant of arrest laban kay Misuari para bigyan ng pagkakataon makibahagi sa peacetalks.
Ipinaliwanag ni Father Aquino na nasasaad sa batas na tanging acquittal lamang ang tuluyang makapag-papawalang sala sa isang may kaso na kinakailangan dumaan sa court trial o kaya naman ay ang pagkakaloob ng general amnesty batay sa resulta ng gagawing peace talks.
“Hindi naman, the court merely lifts the warrant of arrest, for now he will not be arrested to enable him to participate in the peace talks, now alam natin nasa ilalim ng ating mga batas it’s only acquittal that can prevent you from being charge, hindi pa naman siya na-a- acquit kasi wala pa namang trial. So there is nothing to prevent the application later on again for a warrant of arrest depending on the outcome of the talks, kasi talks could provide for a general amnesty for all of this people, I’m not saying that it will happen I’m just saying that it’s a possibility,”paglilinaw ni Father Aquino sa Radio Veritas.
Inihayag ni Father Aquino na dahil nananatili pa rin ang mga kasong nakasampa kay Misuari ay maari muling ihain ng Prosecutor ang warrant of arrest matapos ang 6 na buwan na suspensiyon dito.
“The cases are not drop only that the Warrant of Arrest is not going to be serve now.. So after the end of the 6 month period, whatever be the outcome of the talks, the prosecutor can once apply for a warrant of arrest and then this time they can bring him to trial pero it will be depend on what will be the result of the talk,” pahayag ng pari.
Kaugnay nito, tiniyak naman ng Armed Forces of the Philippines ang pagpapanagot kay Misuari sa madugong Zamboanga siege noong 2013 kung saan sinalakay ng may 200 hanggang 300 tauhan ni Misuari ang Zamboanga City noong Setyembre 9, 2013 at tinangkang iwagayway ang bandila ng “Bangsamoro Republic” sa flagpole ng City hall, dahilan upang magkabakbakan.
Sa tala ng AFP, nasa 198 residente ang ginawang hostage at “human shield” ng mga rebelde habang mahigit sa 1,000 residente ang inilikas dahil sa bakbakan kung saan 20 sundalo at limang pulis ang napatay sa halos isang buwang labanan habang 12 sibilyan din ang napatay at 79 ang nasugatan.