House Speaker, nakiramay sa pagpanaw ni Pope Francis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,991 total reads

Nakikiramay si Speaker Martin Romualdez sa buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis, na aniya’y nagsisilbi bilang tanglaw ng habag at kababaang-loob.

Ayon sa mambabatas, ang presensya ng Santo Papa ay nagbigay ng pag-asa at kagalingan sa milyun-milyong tao, lalo na sa mga Pilipino na tinawag siya bilang “Lolo Kiko.”

Binigyang-diin ni Romualdez ang ginampanan ni Pope Francis bilang huwaran ng tunay na pinunong tagapaglingkod—lumalapit sa mahihirap, maysakit, at mga naaapi, at hindi lamang nagdarasal kundi kumikilos para tumulong.

Inalala rin ng mambabatas ang naging pagbisita ni Pope Francis sa Tacloban noong Enero 2015, matapos ang pananalasa ng Super Typhoon Yolanda.

“To us, he was more than a Pope. He was a father, a friend, a guiding light in times of darkness. I will never forget how he came to Tacloban in the aftermath of Typhoon Yolanda, when our people were suffering beyond words,” ayon kay Romualdez.

Dagdag pa ng- mambabatas: “He braved the storm, stood with us in the rain, and spoke not just as a leader of the Church, but as someone who truly felt our pain. His presence alone gave us strength. His words reminded us that even in loss, we were not alone. That God had not abandoned us.”

Sa kabila ng masamang panahon, pinangunahan ng Santo Papa ang misa sa Palo, Leyte upang personal na damayan at dasalan ang libu-libong nawalan ng tirahan at mahal sa buhay. Ang kanyang presensya ay naging simbolo ng pag-asa at paghilom para sa mga nasalanta.

Dagdag pa ng mambabatas, ang pagpanaw ng Santo Papa ay isang malaking na kawalan hindi lamang sa Simbahang Katolika kundi sa buong sangkatauhan.

Sa huli, nagpasalamat si Romualdez sa pagmamahal at tiwala ng Santo Papa sa sambayanang Pilipino.

Environmental advocates, kinilala ng PMPI

 18,086 total reads

 18,086 total reads Iginiit ng Philippine Misereor Partnership Incorporated o PMPI na bahagi ng makataong pagtugon sa mga krisis ang pangangalaga sa kalikasan, kasabay ng paggunita

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 48,221 total reads

 48,221 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 108,719 total reads

 108,719 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 128,396 total reads

 128,396 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 209,050 total reads

 209,050 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 308,607 total reads

 308,607 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top