Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Nang binawi ang palakpakan

SHARE THE TRUTH

 80,121 total views

Mga Kapanalig, humupa na ang palakpakan ng mga pulitiko sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Dahil dito, nalulungkot si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, isa sa numero unong tagasuporta ng dating pangulo. Sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang hepe ng Philippine National Police (o PNP), ipinatupad ng nakaraang administrasyon ang marahas at madugong giyera kontra droga. Sa dami ng pinatay ng mga pulis pati na rin ng mga vigilante (na iniuugnay din sa kapulisan), nag-imbestiga na ang International Criminal Court (o ICC) sa itinuturing ng mga nagtataguyod ng karapatang pantao o human rights bilang crime against humanity. Isa nga raw si Senador Bato sa mga kinokonsiderang suspek sa kasong ito, bagay na hindi na ikinagulat ng mambabatas.

Sa isang panayam, tila may tampo si Senador Bato sa mga mambabatas, lalo na ang mga nasa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Noon daw, panay ang pasalamat nila kay Pangulong Duterte at sa kanyang administrasyon dahil sa paggamit nito ng kamay na bakal. Naging tahimik daw ang mga lansangan. Naging ligtas daw ang pakiramdam ng mga tao.

Pero ngayon, nag-iba na raw ang ihip ng hangin. Mabilis daw magbago ng pananaw at ugali ang mga tao, lalo na ang mga kapwa niyang mambabatas. Binabatikos na raw nila ngayon si dating Pangulong Digong pati ang mga nasa likod ng giyera kontra droga, kabilang si Senador Bato. Parang “villain” o kontrabida na ang nakaraang administrasyon sa mata ng mga pulitikong puro papuri at pasasalamat sa war on drugs noon.

Batid ni Senador Bato na ganito raw talaga ang pulitika sa ating bayan. Nawawala ang prinsipyo ng mga pulitiko kapag may nakikita silang oportunidad para makinabang sa mga nasa poder. Hindi man daw lahat, pero kahit ang nakabibinging katahimikan ng mga dati nilang kaalyado sa harap ng pagbatikos kay dating Pangulong Duterte at sa giyera kontra droga ay nagdudulot ng kalungkutan sa dating pulis at ngayon ay senador.

Ang binabanggit ni Senador Bato ay tinatawag na politics of convenience. Kumakampi ang mga pulitiko sa mga lider na sa tingin nila ay makatutulong sa sarili nilang agenda. Dahil sikat noon si Pangulong Duterte, takot silang kontrahin ang anumang sasabihin niya, kahit pa mali ang mga ito. Dahil ayaw nilang mawalan ng pondo ang mga proyektong magbibigay sa kanila ng boto, tumatangò at pumapalakpak lang sila sa lahat ng gustong gawin ng dating administrasyon. Pero kapag tangan na ng iba ang kapangyarihan, mabilis din silang lilipat ng katapatan.

Salungat ito sa sinasabi ng Catholic social teaching na Octogesima Adveniens tungkol sa pulitika. Ang kapangyarihang pulitikal ay dapat na nakatuon sa tinatawag nating common good o kabutihang tinatamasa dapat ng lahat. Ginagamit ang pulitika para pairalin ang katarungan at para isulong ang ikabubuti ng bawat mamamayan.[6] Pagkamakasarili ang umiiral kapag ang mga nasa larangan ng pulitika ay tila nilalaro lamang ito para sa kanilang kapakanan at makikitid na interes.

Ang politics of convenience ay walang pakialam sa mga totoong dapat na pinahahalagahan ng bayan o values. Pero, linawin din dapat natin ang mga values na dapat itinataguyod ng pulitika. Hindi kabilang sa mga ito ang pagpapalaganap ng kultura ng karahasan, ang pagpatay, at ang hindi paggalang sa proseso ng batas. Hindi tamang pahalagahan ang pagbalewala sa buhay at dignidad ng tao. Ang pagkilala kaya sa mga ito ang nasa likod ng pagbawi ng mga pulitiko ng kanilang palakpakan para sa war on drugs?

Mga Kapanalig, wika nga sa Isaias 5:20, kawawa ang mga minamasama ang mabuting gawa at minamabuti ang masama. Kaya naman, lagi nating kilatisin ang mga sinasabi at ginagawa ng mga namumuno sa ating bayan.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Tunnel of friendship

 13,853 total views

 13,853 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »

Teenage pregnancy

 64,416 total views

 64,416 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »

THE DIVINE IN US

 12,738 total views

 12,738 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 69,597 total views

 69,597 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 49,792 total views

 49,792 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tunnel of friendship

 13,854 total views

 13,854 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Teenage pregnancy

 64,417 total views

 64,417 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 69,598 total views

 69,598 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 49,793 total views

 49,793 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dugo sa kamay ng mga pulis

 44,046 total views

 44,046 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

“Same pattern” kapag may kalamidad

 52,727 total views

 52,727 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Moral conscience

 67,489 total views

 67,489 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagpa-parking/budget insertions

 74,604 total views

 74,604 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Season of Creation

 48,734 total views

 48,734 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bulag na tagasunod

 48,506 total views

 48,506 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 48,207 total views

 48,207 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipaliwanag ang OVP budget

 40,541 total views

 40,541 total views Mga Kapanalig, nag-trending noong isang linggo sa social media ang panawagang bigyan ng zero budget ang Office of the Vice President. Ito ay matapos ang mainit na pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa budget ng OVP para sa susunod na taon.  Sa pagdinig, panay ang pag-iwas ni Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalala sa mga mister

 87,675 total views

 87,675 total views Mga Kapanalig, madalas gamitin ang Efeso 5:22-24 para pangatwiranan ang pagpapasailalim ng mga babae sa kanilang asawa. Ganito ang mababasa natin: “Mga babae, pasakop kayo sa sarili ninyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo na siyang ulo ng iglesya… Kung paanong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makatotohanang datos

 83,558 total views

 83,558 total views Mga Kapanalig, tumaas siguro ang kilay ninyo nang marinig ang sinabi ng National Economic and Development Authority (o NEDA) na ang isang Pilipinong may ₱64 para ipambili ng pagkain sa isang araw ay hindi maituturing na food poor. Take note, pang-isang araw na ang ₱64. Ibig sabihin, kung tatlong beses kumakain ang isang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng mga Baybaying Komunidad

 93,941 total views

 93,941 total views Bilang arkipelago, tayo ay napapaligiran ng mga katubigan. Ang ating mga dalampasigan ay hindi lamang nagtataglay ng likas na kagandahan, nagsisilbi ring silang pangunahing kabuhayan ng maraming komunidad. Ang mga baybaying komunidad ay umaasa sa karagatan para sa kanilang ikinabubuhay, mula sa pangingisda, pag-aalaga ng mga yamang-dagat, hanggang sa turismo. Subalit, ang kanilang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top