Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

“Nasa kamay ng mga Filipino ang tunay na kapangyarihan”

SHARE THE TRUTH

 8,290 total views

Ang Edsa People Power noong 1986 ay isang patunay na nasa kamay ng taumbayan ang tunay na kapangyarihan.

Ito ang binigyan diin ni Fr. Joel Saballa, deputy Executive Director ng Caritas Novaliches at Parish Administrator ng Our Lady of Anunciation Parish ng Diocese of Novaliches, kaugnay na rin sa ika-39 na anibersaryo ng Edsa People Power Revolution.

Ayon sa Pari, ipinapaala ng makasaysayang “bloodless revolution” na nasa taumbayan ang kapangyarihan upang manindingan para sa katarungang panlipunan upang malabanan o maiwaksi ang kasinungalinan na dahilan ng paglala ng pang-aapi at paniniil sa lipunan.

“Ang EDSA People Power ngayon ay paalala na nasa kamay natin ang tunay na kapangyarihan—hindi sa iilan, kundi sa taong bayan, Ito ay hindi lang bahagi ng kasaysayan, kundi isang hamon sa kasalukuyan: Tumindig, lumaban sa kasinungalingan, at ipaglaban ang tama upang hindi na maulit ang nakaraan,” ayon sa mensahe ni Fr. Saballa.

Paalala ng pari na sa pamamagitan ng taunang pagdiriwang ng People Power Revolution ay inaalala ang sakripisyo ng mga nakibaka noong 1986 upang mapalaya ang Pilipinas mula sa diktaturyang Marcos.

Umaasa si Fr. Saballa na maipagpatuloy ang kapayapaan sa lipunan upang maisulong ang katarungan at manatili ang kalayaan tinamatamasa ng mga Pilipino.

“Today, we remember the extraordinary courage of the Filipino people during the EDSA People Power Revolution — a moment in history where faith, unity, and solidarity triumphed, As we commemorate this historic day, let us renew our commitment to building a nation rooted in peace and justice. May its lessons continue to guide us towards a brighter future, working together to uphold democracy, justice, and the common good, Mabuhay and diwa ng EDSA!,” ayon pa sa mensahe ni Fr. Saballa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Senadong tumalikod sa tungkulin

 12,655 total views

 12,655 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 86,956 total views

 86,956 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 142,712 total views

 142,712 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »

Mga sangandaan sa usapin ng enerhiya

 103,641 total views

 103,641 total views Mga Kapanalig, para kay Pangulong Bongbong Marcos Jr, kilalang-kilala raw tayo sa buong mundo dahil sa pagsusulong natin ng renewable energy. Sa kanyang

Read More »

Abot-kamay pa ba ang pananagutan?

 104,751 total views

 104,751 total views Mga Kapanalig, ang desisyon ba ng Korte Suprema ay parang utos mula sa langit? Para ba itong utos ng hari na hindi mababali? 

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

OPNE, nagpapasalamat sa tagumpay ng PCNE 11

 7,807 total views

 7,807 total views Nagpapasalamat ang Office of the Promotion on New Evangelization (OPNE) ng Archdiocese of Manila sa lahat ng Parokya, Donors, Benefactors, Volunteers at Partnered

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

OPNE, nagpapasalamat sa tagumpay ng PCNE 11

 7,808 total views

 7,808 total views Nagpapasalamat ang Office of the Promotion on New Evangelization (OPNE) ng Archdiocese of Manila sa lahat ng Parokya, Donors, Benefactors, Volunteers at Partnered

Read More »

Senado, kinundena ng BIEN

 14,128 total views

 14,128 total views Kinundena ng BPO Industry Employees Network (BIEN) ang naging hakbang ng Senado na pigilan ang pagpapatuloy ng impeachment case laban kay Vice-president Sara

Read More »

DA,kinilala ng FFF

 13,635 total views

 13,635 total views Kinilala ng Federation of Free Farmers ang pagbibigay ng prayoridad ng Department of Agriculture sa sektor ng mga Pilipinong magsasaka ng palay. Ayon

Read More »
1234567