QC ordinance laban sa mercury products, pinuri EcoWaste

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,557 total reads

Pinuri ng EcoWaste Coalition ang Quezon City Government sa pagsisikap nitong protektahan ang mamamayan, lalo na ang kababaihan at mga bata, mula sa panganib ng mercury sa kalusugan at kapaligiran.

Sinusuportahan ng grupo ang Executive Order ni Mayor Joy Belmonte na nagpapatibay sa pagbabawal ng mga pampagandang produkto na may mercury, na nilagdaan noong Pebrero 12, 2025. Bahagi nito ang pagbuo ng isang task force sa pangunguna ng Quezon City Health Department (QCHD) upang tiyakin ang mahigpit na pagpapatupad ng City Ordinance No. 2767, na nagbabawal sa paggawa, pagbebenta, at pamamahagi ng mga produktong may mercury.

“We commend Mayor Joy Belmonte and the QCHD for their earnest efforts to strengthen the enforcement of the landmark ordinance banning the manufacture, distribution, and sale of mercury-added cosmetics in the city,” pahayag ni EcoWaste Coalition campaigner Manny Calonzo. Ayon sa kanya, ang task force ay magpapalakas sa pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya at magpapabuti sa seguridad ng mga nagpapatupad ng regulasyon.

Samantala, binigyang-diin ni International Pollutants Elimination Network (IPEN) Technical and Policy Advisor Lee Bell na ang inisyatiba ng lungsod ay dapat gawing modelo ng ibang LGUs. “This is how it’s done—active cooperation between city authorities and experienced [non-government organizations] to make a difference on the ground where it matters,” aniya.

Naaprubahan noong Nobyembre 19, 2018, ang City Ordinance No. 2767 ay naisabatas matapos matuklasan ng EcoWaste Coalition ang patuloy na pagbebenta ng mga ipinagbabawal na produkto sa lungsod.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang mercury sa ilang produktong pampaputi ng balat ay maaaring magdulot ng pangangati, peklat, at pagbabago sa kulay ng balat; humina ang resistensya laban sa impeksyon; at magdulot ng pinsala sa nervous system, bato, at immune system, pati na rin anxiety, depression, at psychosis.

Bilang pagkilala sa suporta ng Quezon City Government sa iba’t ibang adbokasiya, kabilang ang pagbabawal sa single-use plastics, solid waste management, paggamit ng lead-safe paints, at pagbabawal sa mercury-containing cosmetics, ginawaran ito ng EcoWaste Coalition ng Award of Recognition noong Enero 31, 2025, kasabay ng ika-25 anibersaryo ng grupo.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 30,136 total reads

 30,136 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 19,008 total reads

 19,008 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 55,579 total reads

 55,579 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 157,402 total reads

 157,402 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 197,960 total reads

 197,960 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 217,803 total reads

 217,803 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 134,936 total reads

 134,936 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top