Environmental group, nakikiisa sa paggunita ng Edsa People Power anniversary

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,621 total reads

Nakikiisa ang Alyansa Tigil Mina (ATM) sa sambayanang Pilipino sa paggunita ng ika-39 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Ayon sa ATM, kaakibat ng pagdiriwang ng kasarinlan ng bansa mula sa diktadurya ay ang pagpapahayag ng patuloy na paninindigan sa pagtatanggol ng karapatan at kalayaan, gayundin sa pagsusulong ng mga adhikain ng mga nasa laylayan ng lipunan.

Iginiit ng grupo na mahalagang ipaalala sa kasalukuyan at sa susunod pang henerasyon ang nagkakaisang pakikipaglaban sa pang-aapi ng estado, paglabag sa karapatang pantao, at pandarambong sa ekonomiya, sa gitna ng pagbabago sa kasaysayan kung saan may mga pagtatangkang burahin ang tagumpay ng bayan sa pagpapaalis sa yumaong diktador na si Ferdinand Marcos, Sr.

“We must not forget EDSA that we may continue our fight against the oligarchy, where political and economic power is wielded by oppressive political dynasties and big business,” pahayag ng ATM.

Dagdag ng ATM, dapat alalahanin ang mapayapang rebolusyon upang patuloy na itaguyod ang paglaban sa katiwalian at mapaminsalang pagsasamantala sa likas na yaman at mga tagapagtaguyod nito.

Panawagan ng grupo na sa paggunita ng EDSA People Power Revolution ay mahikayat ang lahat na ipagpatuloy ang adhikain para sa katarungang panlipunan at pagkakapantay-pantay, karapatang pang-ekonomiya at kalayaan, pangangalaga sa kalikasan, at katarungang pangklima.

“We call on all sectors of Philippine society to keep alive and thriving the EDSA Spirit. EDSA did not happen overnight; neither will the victory of our just causes. But we must persist with the fervent hope that we will prevail — may the EDSA People Power Live on!,” ayon sa grupo.

Noong Pebrero 1986, sa harap ng mga tangke at sundalo, nagtipon sa EDSA ang mga mamamayan mula sa iba’t ibang antas ng lipunan, kasama ang mga lingkod ng Simbahan, at nagkaisa sa pananalangin at mapayapang pagkilos upang muling makamit ang demokrasya ng bansa mula sa diktadurya sa ilalim ng rehimen ni Pangulong Marcos Sr.

Batay sa tala ng Amnesty International, mahigit 34,000 Pilipino ang nakaranas ng pang-aabuso at iba’t ibang uri ng karahasan noong panahon ng Batas Militar, bukod pa rito ang tinatayang 70,000 ikinulong at mahigit 3,200 pinaslang sa maituturing na pinakamadilim na yugto ng kasaysayan ng Pilipinas.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 29,351 total reads

 29,351 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 17,893 total reads

 17,893 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 54,565 total reads

 54,565 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 156,387 total reads

 156,387 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 196,946 total reads

 196,946 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 216,835 total reads

 216,835 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 134,898 total reads

 134,898 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top