Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 1,562 total views

Ang Mabuting Balita, 25 Oktubre 2023 – Lucas 12: 39-48
NASA LAHAT NG DAKO
Noong panahong iyon, sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Tandaan ninyo ito: kung alam lamang ng puno ng sambahayan kung anong oras darating ang magnanakaw, hindi niya pababayaang pasukin ang kanyang bahay. Kayo ma’y dapat humanda, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na hindi ninyo inaasahan.”
Itinanong ni Pedro, “Panginoon, sinasabi po ba ninyo ang talinghagang ito para sa amin o para sa lahat?” Tumugon ang Panginoon, “Sino nga ang tapat at matalinong alipin? Hindi ba siya ang pamamahalain ng kanyang panginoon sa sambahayan nito, upang magbigay sa ibang mga alipin ng kanilang pagkain sa karampatang panahon? Mapalad ang aliping iyon, kapag dinatnan siyang gumagawa ng gayun pagbabalik ng kanyang panginoon. Sinasabi ko sa inyo: pamamahalain siya ng kanyang panginoon sa lahat ng ari-arian nito. Ngunit kung sabihin sa sarili ng aliping iyon, ‘Matatagalan pa bago magbalik ang aking panginoon,’ at simulan niyang bugbugin ang ibang aliping lalaki at babae, at kumain, uminom, at maglasing, darating ang panginoon ng aliping yaon sa araw na hindi niya inaasahan at sa oras na hindi niya alam. Buong higpit na parurusahan siya ng panginoon, at isasama sa mga di-tapat. At ang aliping nakaaalam ng kalooban ng kanyang panginoon, ngunit hindi naghanda ni sumunod sa kalooban nito ay tatanggap ng mabigat na parusa. Ngunit ang aliping hindi nakaaalam ng kalooban ng kanyang panginoon at gumawa ng mga bagay na nararapat niyang pagdusahan ay tatanggap ng magaang parusa. Ang binigyan ng maraming bagay ay hahanapan ng maraming bagay; at ang pinagkatiwalaan ng lalong maraming bagay ay pananagutin sa lalong maraming bagay.”
————
Mayroong kasabihan: “Kapag wala ang pusa, maglalaro ang mga daga,” ibig sabihin, kapag wala ang taong namamahala, ang mga nasasakupan ng kanyang awtoridad ay gumagawa ng kalokohan o mga bagay na hindi nila karaniwang gagawin kapag nariyan ang namamahala. Ngunit, kung ang taong namamahala ay ang Diyos na NASA LAHAT NG DAKO, paano natin maitatago ang ating mga kalokohan? Nakikita ng Diyos ang lahat kaya walang maaaring pagtaguan.
Bawat segundo ng ating buhay ay napakahalaga sapagkat paglipas nito, wala na ito. Mahalagang mabilang ang bawat segundo ng ating buhay sa pamamagitan ng pamumuhay ng nararapat. Si Jesus ay dumating sa mundo at ipinakita niya sa atin kung paano tayo dapat mamuhay. Tayo, na binyagang Kristiyano, ay hindi maaaring magsabi na hindi natin alam kung ano ang kalooban ng ating Panginoon sapagkat mayroon tayong Bibliya kung saan ang kanyang mga turo ay nakasulat. Siya ang namamahala na muling darating ng isang araw at oras na hindi natin alam at inaasahan. Ang tanging maaasahan natin ay isa sa dalawang ito: ang maging mapalad, o buong higpit na parurusahan.
Panginoong Jesus, turuan mo kaming maging tapat sa Diyos ng lubos-lubusan!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 70,429 total views

 70,429 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 102,424 total views

 102,424 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 147,216 total views

 147,216 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 170,191 total views

 170,191 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 185,589 total views

 185,589 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 9,204 total views

 9,204 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

OPPOSITE

 1,887 total views

 1,887 total views Gospel Reading for November 6, 2025 – Luke 15: 1-10 OPPOSITE The tax collectors and sinners were all drawing near to listen to

Read More »

GOD ALONE

 2,837 total views

 2,837 total views Gospel Reading for November 05, 2025 – Luke 14: 25-33 GOD ALONE Great crowds were traveling with Jesus, and he turned and addressed

Read More »

NOT AUTOMATIC

 3,268 total views

 3,268 total views Gospel Reading for November 04, 2025 – Luke 14: 15-24 NOT AUTOMATIC One of those at table with Jesus said to him, “Blessed

Read More »

A ONE-WAY GESTURE

 3,283 total views

 3,283 total views Gospel Reading for November 03, 2025 – Luke 14: 12-14 A ONE-WAY GESTURE On a sabbath Jesus went to dine at the home

Read More »

ASSURED

 3,399 total views

 3,399 total views Gospel Reading for November 02, 2025 – John 14: 1-6 ASSURED The Commemoration of All the Faithful Departed (All Souls) “Do not let

Read More »

BE COUNTED, Solemnity of All Saints

 3,490 total views

 3,490 total views Gospel Reading for 01 November 2025 – Matthew 5: 1-12a BE COUNTED, Solemnity of All Saints When Jesus saw the crowds, he went

Read More »

OF PRIMARY IMPORTANCE

 3,180 total views

 3,180 total views Gospel Reading for October 31, 2025 – Luke 14: 1-6 OF PRIMARY IMPORTANCE On a sabbath Jesus went to dine at the home

Read More »

STRONG AND COURAGEOUS

 2,591 total views

 2,591 total views Gospel Reading for October 30, 2025 – Luke 13: 31-35 STRONG AND COURAGEOUS Some Pharisees came to Jesus and said, “Go away, leave

Read More »

SACRIFICE

 2,700 total views

 2,700 total views Gospel Reading for October 29, 2025 – Luke 13: 22-30 SACRIFICE Jesus passed through towns and villages, teaching as he went and making

Read More »

HE DOESN’T SLEEP

 7,768 total views

 7,768 total views Gospel Reading for October 28, 2025 – Luke 6: 12-16 HE DOESN’T SLEEP Jesus went up to the mountain to pray, and he

Read More »
Scroll to Top