New voters, hinimok ng PPCRV na magparehistro na

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 503 total views

Nanawagan ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa mga hindi pa nakarehistro partikular na sa mga kabataang nasa edad 18-taong gulang sa Mayo ng susunod na taon na magparehistro upang maging isang ganap na botante.

Ayon kay PPCRV Executive Director Maria Isabel Buenaobra, maari ng magparehistro ang mga kabataang edad 18-taong gulang na pagsapit ng nakatakdang May 2022 elections.

Ipinaliwanag ni Buenaobra na dapat samantalahin ng mamamayan ang kasalukuyang voters registration upang makapagpatala bilang mga botante na magtatagal lamang hanggang sa pagtatapos ng Setyembre.

“Ang panawagan po ng PPCRV ay nanawagan po kaming hikayatin ang lahat ng mga bagong mga botante, yung mga magiging 18-years old and above sa May 2022 para magregister po kayo, ongoing na po yung registration nagsimula na uli siya from January 4 hanggang sa end of September lang po yan…” pahayag ni Buenaobra sa panayam sa Radio Veritas.

Partikular ding nanawagan si Buenaobra sa mga umuwing Overseas Filipino Workers na hindi pa kabilang sa absentee voters at inaasahang mananatili sa Pilipinas hanggang sa Mayo ng susunod na taon na magparehistro upang maging botante sa nakatakdang halalan.
Pagbabahagi ni Buenaobra, bukod sa mga kabataan na mga first time voters ay mahalaga rin ang partisipasyon ng mga OFW para sa pagluluklok ng mga bagong lider ng bansa.

“Hinihikayat namin hindi lamang yung mga kabataan na bagong registrants pero po yung mga Overseas Filipino Workers na hindi naman po talaga nakapagtala bilang absentee voters sa mga embassies in previous election at kayo po ay mananatili sa bansa sa May 2022 ay magparehistro po kayo bago mag-end ang September kung plano po ninyo na manatili sa bansa hanggang next year para po makaboto din sila…”Dagdag pa ni Buenaobra.

Iginiit ni Buenaobra na hindi dapat balewalain ng bawat Filipino ang karapatan at kapangyarihan na bumoto at maghalal ng mga opisyal ng bayan.

Batay sa pinakahuling tala ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) noong ika-16 ng Enero, nasa mahigit 410,000 mga OFW na ang umuwi ng Pilipinas mula ng nagsimula ang COVID-19 pandemic.

Naunang inihayag ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon na umaabot pa lamang sa mahigit 1,100,000 ang bilang mga naitalang voter applicants mula sa target ng komisyon na 4-na-milyong registrants sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 16,175 total views

 16,175 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 16,175 total views

 16,175 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 16,175 total views

 16,175 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 15,592 total views

 15,592 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 14,098 total views

 14,098 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top