367 total views
Ang pagbabago sa lipunan ay hindi magmumula sa pagbabago ng Kontitusyon o pagpapasok ng mga dayuhang mamumuhunan.
Ito ang bahagi ng pagninilay ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo kaugnay sa Pambansang Linggo ng Bibliya.
Ayon sa Obispo na siya ring chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity, ang Salita ng Diyos na nasasaad sa Bibliya ay hindi lamang nagdudulot ng pagbabago sa bawat isa kundi maging ng pagbabago sa ipunan.
Paliwanag ni Bishop Pabillo, magsisimula lamang ang hinahangad na pagbabago sa bansa kung magmumula ang pagbabago ng sarili ng bawat mamamayan at mga opisyal ng bayan.
Pagbabahagi ng Obispo, ang tao ang dapat na magbago at hindi ang sistemang umiiral sa bansa.
Iginiit ni Bishop Pabillo na magmumula ang pagbabagong ito sa sarili at puso ng bawat isa sa pamamagitan ng ganap na pag-unawa sa Salita ng Diyos na nasusulat sa Bibliya.
“Ang Salita ng Diyos sa Bible ay hindi lang nagbabago sa bawat isa sa atin. Ito ay nagbabago din sa ating lipunan, sa ating bansa. We all long for the transformation of our beloved Philippines. We believe that this transformation will not be brought about by any change of the constitution or by any foreign direct investment. It will be transformed if we have transformed leaders and transformed citizens”. pagninilay ni Bishop Pabillo sa Healing Mass sa Veritas.
Binigyang diin naman ng Obispo na hindi lamang sapat na basahin ang Bibliya sa halip ay dapat ito maunawaan upang ganap na maintindihan ang nais na sabihin ng Ditos para sa bawat isa.
Dagdag pa ni Bishop Pabillo ang pagbabasa at pag-una sa Bibliya ay isa ring paraan upang magkaroon ng malalim na ugnayan sa Panginoon.
Kaugnay nga nito kabilang sa tatlong tema na natalakay sa tatlong araw na Ecumenical Bible Festival mula noong ika-23 hanggang ika-25 ng Enero ang The Healing Power of the Word of God, The Uniting Power of the Word of God at The Transforming Power of the Word of God.