Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Nilagdaan sa Paris agreement on climate change, ipatupad na

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

Umaasa ang dating Holy See Representative to United Nations Climate Change Conference na ngayong COP22 climate change talks ay maipatutupad na ang mga hakbang na magpapababa sa epekto ng pagbabago ng klima sa buong mundo.

Ayon kay Fr. Benny Tuazon, dating executive director ng Ministry on Ecology ng Archdiocese of Manila, nawa ngayon ay ipatupad ang nilagdaang kasunduan ng mga bansa na popondohan ang istraktura na gagamitin para matulungan ang mundo na harapin ang problema sa climate change.

Matatandaang sa COP21 na ginanap sa Paris noong Hulyo ng 2015, nagkasundo ang mga bansa na lumagda para bawasan ang pino-produce nilang carbon habang simula naman nitong Lunes November 7, 2016 ginaganap ang COP22 sa Morocco.

Sa pagpupulong, popondohan ang pagsasaayos sa nasisirang kondisyon ng mundo ng $100-bilyon kada taon ng mga mauunlad na bansa na silang mga pangunahing naging dahilan ng climate change.

Naging Holy See rep si Fr. Tuazon ng dalawang beses sa UN Climate Change Conference mula 2007 at 2010.

“Merun namang nangyayari kaya lang mabagal last year yung talk sa COP21 finally yung Paris agreement kanila ng natapos after that isa-isang lumagda ang mga bansang nakiki-ayon dun, finally isa ang Pilipinas lalagda doon. Ngayon, ipapatupad ang kanilang nilagdaan kasi ang kulang dun yung pagpopondo sa istraktura na gagamitin nila para matulungan ang mundo na maharap ang problema ng climate change at pagtaas ng temperatura, pero may mga bansa, ang isang nakita ko dun sa Africa yung tubig na pangangailan sa Africa isa sa i-aaddress dahil ito ang isa sa pinakamatinding inabot ng climate change like 20 degrees centigrade ang taas ng klima dun kumpara sa ibang bansa. Ang pondong pinoprpose nila ay 100 bilyon dolyar a year yan ang pag-iipunan ng mga bansa lalo na ng mauunlad na bansa na sila ang unang unang dahilan bakit ganito na ang kondisyon ng ating mundo,” pahayag ni Fr. Tuazon sa panayam ng Radio Veritas.

Una ng inihayag ni Mohamed Ait Kadi, presidente ng Morocco’s General Council of Agricultural Development na simula noong 1990’s nasa 15%-20% ang ibinaba ng pag-ulan sa kanilang bansa kada taon na naging dahilan ng pagkatuyo ng kanilang lupain kayat bumaba ng 70% ang kanilang mga ani.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MALAYO PA SA HINAHARAP

Sa mga suhestiyon na limitahan ang mga bata sa paggamit ng social media, good suggestion… kailangan pa daw itong pag-aralan ng Malacanang. Dapat maikonsedera daw

Read More »

Baha ng disimpormasyon

Mga Kapanalig, habang isinasagawa noong nakaraang linggo ang confirmation of charges hearing ng dating Pangulong Duterte sa International Criminal Court (o ICC), pinutakte sa social

Read More »

“Virus of impunity”

Mga Kapanalig, may kakilala ba kayong naging disipulo ni dating Pangulong Duterte na uhaw sa dugo at naniniwalang ang karahasan at pagpatay ang tanging solusyon

Read More »

Kaya ng Pilipina

Mga Kapanalig, Happy Women’s Month! Sa taóng ito, ang tema ng pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan ay “Lead like the Babaylans, Filipinas!”. Binibigyang-diin nito ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be known. Therefore

Read More »