Non-regular workers: Tumataas ang bilang

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 343 total views

Kapanalig, nagiging matunog ang usapin ukol sa mga non-regular workers ngayon. Sino nga ba sila at ano ang kanilang sitwasyon?

Base sa pinakahuling datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), umaabot ng 1.336 million ang mga non-regular workers sa mga establisiyemento na may 20 o higit pang empleyado. Ito ay katumbas ng 29.9% ng kabuuan ng establishment workforce na umaabot naman ng 4.472 million. Tumaas ito ng 16.35% mula 2012.

Ayon pa sa PSA, kalahati ng mga hindi regular na manggagawa ay mga contractuals o project-based. Base sa depinisyon ng ahensya, ang contractuals ay yaong ang trabaho ay “fixed” o nakatalaga para isang proyekto o gawain. Alam na agad kung kailan matatapos ito at siyempre kung hanggang kailangan ang empleyado.

Ang pinakamalaking bilang ng mga contractual na manggagawa ay ang mga construction workers. Tatlo sa limang empleyado ng mga establisiyemento na may 20 pataas na bilang ng empleyado ay mga di regular contractual construction workers. Sa agrikultura at pangingisda pati na rin sa manufacturing, dalawa sa limang empleyado ay hindi din regular.

Alam niyo kapanalig, nagiging mas masidhi ang pangangailangan ng mga di–regular na empleyado ngayon kasi magpapasko. Karamihan sa mga kontrata kasi nila ay nagtatapos bago dumating ang buwan ng disyembre. Sinasabi ngang talamak ang “5-5-5” sa iba-ibang industriya sa atin. Ang 5-5-5- ay ang endo ng kontrata pagkatapos ng limang buwan, at ang muling pagkuha sa kanila para sa isa na namang limang buwang kontrata.

Sa parte ng mga manggagawa, ang ganitong sitwasyon ay nagdadala ng malaking inseguridad, lalo pa’t ang kanilang mga trabaho ay hindi naman kataasan ang sweldo. Ang kanilang kita ay sapat lamang, o minsan kulang pa. Ang pag-iimpok para sa mga araw o linggo o buwan na bakante ay hindi nila magawa. Hirap din makahanap ng trabaho na may tenure ang mga manggagawa dahil unang una, mas talamak ang praktis ng contractualization. Pangalawa ang bawat araw sa trabaho ay mahalaga dahil ito ay nangangahulugan ng kita-kita na hindi dapat mawaglit dahil kailangan ng pamilya.

Ang contractualization kapanalig, ay isang praktis na hindi nakatingin sa buhay at dangal ng manggagawa. Para sa maraming contractual workers, ang gawaing ito ay hindi nagbibigay importansya sa tao, kundi sa trabaho at kita lamang.

Ang Panlipunang turo ng Simbahan, kapanalig, ay hinihimok tayong tunay na pagmasdan ang mangagawang Pilipino: banat na banat ang buto at tuyo na ang luha dahil sa hirap ng buhay. Ayon nga sa Laborem Excercens: Nais nilang maramdaman na nagtatrabaho sila para sa kanilang sarili at pamilya—ngunit ang kamalayang ito ay natatabunan ng ating sistema na ginagawa silang animo’y piyesa na lamang ng makina na pinapatakbo ng mga may kapangyarihan. Kapanalig, kung tayong lahat ay kawangis ng Diyos, nararapat bang ganito ang sitwasyon ng manggagawa?

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 31,537 total views

 31,537 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 54,689 total views

 54,689 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 124,803 total views

 124,803 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 199,417 total views

 199,417 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 277,152 total views

 277,152 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

NASAAN ANG SIMBAHAN

 31,538 total views

 31,538 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 54,690 total views

 54,690 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 124,804 total views

 124,804 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 199,418 total views

 199,418 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »
Scroll to Top