NPA-GRP peace talks suspendido, peace negotiation panel nanatili

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 469 total reads

Bagama’t suspendio ang usapang pangkapayapaan sa pagitan nang pamahalaan at nang New Peoples’ Army (NPA) ay hindi pa naman ito tuluyang tinatalikuran ng gobyerno.

Ito ang nilinaw ni Atty. Rene Sarmiento – member of the GRP Panel for Peace Negotiations sa CPP-NDF-NPA lalu’t nanatili pa rin peace panel.

Sinabi ni Sarmiento, patuloy pa ring umiiral ang Joint Agreement on Safety Immunity Guarantees (JASIG) na naggagarantiya na maari pa ring gumalaw at kumilos ang consultants ng CPP-NDF-NPA nang hindi hinuhuli ng mga otoridad.

“Suspended po ang peace talks ngayon pero hindi naman po naputol, hindi naman binuwag yung peace negotiation suspended lang po yung peace talks, unang una dahil yung JASIG yung Joint Agreement on Safety Immunity Guarantees na kung saan naggagarantiya na pwede gumalaw at kumilos po yung consultants at hindi huhulihin hindi naman po terminated ng ating Pangulo so nandyan pa rin po yan yung Joint Agreement on Safety Immunity Guarantees wala namang hinuhuli naman po eh so ibig sabihin nakasuspend lang yung pag-uusap…” ang bahagi ng pahayag ni Sarmiento sa panayam sa Radio Veritas.

Nakapagsagawa na ng 5th round ng peace talks ng pamahalaan at ng CPP-NPA-NDF panel na tumutok sa usapin ng social and economic reforms at mas mahigpit na bilateral ceasefire agreement ng magkabilang panig.

Bahagi rin ng binubuong kasunduan ng magkabilang panig ang pagtugon sa demand ng mga rebeldeng grupo na libreng land distribution na kapaloob sa kanilang panukalang Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms (CASER) at pagpapalaya sa mga political prisoners.

Sa tala ng Karapatan (Alliance for the Advancement of People’s Rights) mula sa pinakahuling tala noong May 2016, may aabot sa 500 ang mga itinuturing na political prisoners ang ilegal na inaresto ng pamahalaan.

Una na ng binigyang diin ng Simbahang Katolika na ang usapin ng kapayapaan at pagkakaisa ay dapat na gawing prayoridad maging sa kabila ng pagkakaiba-iba ng paniniwala at pananampalataya ng bawat isa.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 45,050 total reads

 45,050 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 43,079 total reads

 43,079 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 77,384 total reads

 77,384 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 179,209 total reads

 179,209 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 219,766 total reads

 219,766 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 238,596 total reads

 238,596 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 45,051 total reads

 45,051 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top