Social media for evangelization, bagong misyon ng mga Pari

SHARE THE TRUTH

 269 total views

Hinikayat ni cyber missionary priest Fr. Luciano Felloni ang kanyang mga kapwa pari na gamitin ang ‘social media’ sa paghahayag ng mabuting balita ng Panginoon.

Ayon kay Fr. Felloni, ang social ay isang bagong mundo na dapat gamitin para sa ebanghelisasyon.

“So I hope na this year of the Clergy kaming mga pari, mga madre mga consecrated people we will realize na mayroon kaming misyon doon sa social media. Not just to be a user, not just to be a follower but to be influencer ‘yun po ang trabaho natin,” ayon kay Fr. Felloni.

Dagdag pa ng pari; “I hope ang mga pari sa taong ito ay magrealize na bahagi ng aming misyon we are sent to the whole world- social media is a new world. Sana mawala ang takot at mawala ang pangamba…mawala ang masamang tingin sa social media and eventually we all the clergy we will embrace social media and maging active hopefully.”

Sa katatapos lamang na CBCP-Catholic Social Media Awards 2017, itinangghal si Fr. Felloni bilang ‘Male Social Media Influencer of the Year’ na ginanap sa Sienna College.

Ang AlmuSalita facebook page ni Fr. Felloni ay may 90,000 followers na nagbibigay ng pang-araw araw na pagninilay sa Salita ng Diyos.

Ayon sa pari, mahalaga ang social media na magamit para maipahayag ang mabuting balita at turo ng Panginoon lalu’t ito na ang bagong media platform ng maraming Filipino.

Ang Pilipinas ang nangunguna sa paggamit ng social media tulad ng Facebook, Twitter, Instagram na karaniwang naggugugol ng higit sa apat na oras kada araw ayon sa pag-aaral ng We are Social Ltd,

Bukod sa pagiging aktibo sa social media, si Fr. Felloni ay mapanonood at mapakikinggan tuwing Biyernes alas-8 ng umaga sa Radio Veritas sa programang Barangay Simbayanan kasama si Angelique Lazo-Mayuga.

Isinilang sa Buenos Aires, Argentina noong May 28, 1973 at inordinahan bilang pari April 2000- na piniling manatili sa Pilipinas.

Si Fr. Felloni ang kasalukuyang parish priest ng Our Lady of Lourdes. Naging parish priest sa Holy Trinity Parish, Commonwealth (2013); Vicar Forane ng Good Shepherd Vicariate (2013) at parish priest Mother of Divine Province Parish sa Payatas (2006).

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gawing viral ang katotohanan

 272 total views

 272 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 15,092 total views

 15,092 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 32,612 total views

 32,612 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 86,185 total views

 86,185 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 103,422 total views

 103,422 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Jerry Maya Figarola

Alay Kapwa Orientation program, inilunsad

 22,409 total views

 22,409 total views Inilunsad ng Caritas Philippines ang Alay-Kapwa Orientation program sa Diocese of Boac upang mapalalim at higit na mapalawig ang adbokasiya nito. Ito ay

Read More »

RELATED ARTICLES

A Call to Conscience and Duty

 12,018 total views

 12,018 total views Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), sa mga senador ng Republika ng Pilipinas na igalang at isakatuparan ang kanilang tungkuling

Read More »
Scroll to Top