Obispo, aminadong malaking populasyon ng mga Katoliko ang hindi naaabot ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 469 total reads

Malaking populasyon ng mga Katoliko ang hindi naabot ng Simbahan lalu na sa mga ‘slum area’ sa Metro Manila.

Ayon kay Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, Vice-President ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, ito ang dahilan ng kaniyang pagtatayo ng mga ‘mission station’ sa diyosesis upang mailapit ang Panginoon sa mga katoliko.

“Ang ‘mission station is an effort’ sa bahagi ng simbahan to be present among the poorest of the poor. So Church presence among the poor iyan ang main objective ng mission stations namin. Hindi na kailangang hintayin na ang mga dukha na sila ang pumasok sa simbahan kundi ang simbahan ang pupunta sa mga dukha. Kahit walang simbahan, kahit walang kapilya,” ayon kay Bishop David sa panayam ng Radio Veritas.

Ayon sa Obispo, maisasakatuparan ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang lugar kasama ang mga religious partner at mga layko upang maiparamdam sa mananamapalataya ang kalinga ng simbahan sa kabila ng walang istraktura ng parokya sa lugar kundi pagkakaroon ng basic ecclesial community o cluster.

Sinabi ng Obispo na bukod sa pagbabahaginan ng salita ng Panginoon ay dito rin magsisimula ang pagmamalasakitan sa kapwa bilang isang komunidad.

Paliwanag pa ng Obispo, ang diyosesis ay binubuo ng 150 libong mga katoliko na mayroon lamang 26 na mga parokya na hindi makakatugon sa pangangailangan ng mga mananampalataya.

“Sabi ni Pope Francis kapag tumatanda ang isang institusyon may tendency sila na maging inward looking, maging self referential. Na para bang ang daigdig umiikot lang sa ‘yo. You speak a common language na kayo lang ang nagkakaintindinan and then the rest of the world out there is left out. Hindi umuunlad,” paliwanag ni Bishop David.

Iginiit ng Obispo na mahalagang ang simbahan ang lumapit sa mga dukha nang walang mga mananampalataya na maiwan o naisasantabi hindi lang sa pangangailangang espiritwal kundi sa iba pang pangangailangan sa araw-araw.

Bukod sa mga parokya, quasi parish at mga chapels, mayroon na ring 10 mission stations na kinabibilangan ng San Rafael mission station, Senora Delos Remedios, Our Lady of Peace chapel, Salmon chapel, Missionary Sisters of the Precious Blood, Tahanan Puso, Our lady of Sacred Heart ang napasimulan ni Bishop David sa diyosesis ng Caloocan simula nang mailuklok bilang obispo noong 2015 na kahalili ni Kalookan Bishop Emeritus Deogracias Iniguez. Catmon Missions Station, Tinejeros and Pitong Gatang

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 111,375 total reads

 111,375 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 205,402 total reads

 205,402 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 249,671 total reads

 249,671 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 272,780 total reads

 272,780 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 342,779 total reads

 342,779 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top