Obispo, dismayado sa kakarampot na 40-pisong dagdag sa minimum wage sa NCR

 1,812 total views

Dismayado ang Church People Workers Solidarity (CWS) sa aprubadong desisyon ng National Capital Region Wage Board na itaas ng 40-piso ang minimum wage sa Metro Manila.

Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza – Chairperson ng CWS, bagamat kinikilala ng kaniyang pinangangasiwaang grupo at kabilang sa labor sector ang hakbang na itaas sa 610-pesos ang mininum wage sa N-C-R ay kulang na kulang ito para tugunan ang arawang gastusin ng mga manggagawa.

Iginiit ni Bishop Alminaza ang 1,160-pisong daily minimum family living wage.

“A hallmark of the modern Roman Catholic approach to economic justice has been its advocacy for the workers’ right to a family living wage CWS supports the call of the Church as amplified in its various social teachings the workers’ right for a wage that would sufficiently cover the needs of a family and would ensure a decent standard of living, these include food, water, housing, education, health care, transportation,clothing, electricity and other essential needs, including recreation and provision for unexpected events,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Alminaza sa Radio Veritas.

Apela ng Obispo sa pamahalaan at mambabatas ang pagsasabatas ng House Bill No.7568 o ang Act Mandating A ‘750-Pesos Across The Board And Nationwide Increase In The Salary Rate Of Employees na dadagdagan ng 750-pesos ang mga minimum wage na umiiral sa ibat-ibang rehiyon.

Ito ay upang makasabay na ang natatanggap na suweldo ng mga manggagawa sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa buong bansa.

CWS reiterates its stand that a living wage is necessary and just and is fundamental to Catholic Social Teaching because it is closely linked to human dignity,” ayon pa sa ipinadalang mensahe ni Bishop Alminaza sa Radio Veritas.

Ang 1,160-pesos na daily living wage ay batay sa pag-aaral ng Think Tank Group na Ibon Foundation na halaga ng nararapat na kinikita ng mga manggagawang sinusuportahan ang pamilyang may limang miyembro.

Una naring hinimok ni Father Anton CT Pascual – Pangulo ng Radio Veritas at Executive Director ng Caritas Manila ang mamamayan, ibat-ibang sektor at pamahalaan na magkaisa upang higit na mapapababa ang inflation rate.

Ito ay matapos maitala ng Philippines Statistics Authority noong Mayo 2023, umabot sa 6.1% ang inflation rate na bagamat mas mababa ayon ayon kay Father Pascual ay higit paring mas malayo sa dapat sana ay inflation rate na umaabot lamang sa 2% hanggang 4%.

About The Author