Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Obispo, nangangamba na magdudulot ng kaguluhan ang “anti-terror law”

SHARE THE TRUTH

 370 total views

July 7, 2020, 1:52PM

Nangangamba si Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo na maging dahilan ang Anti-Terrorism law sa pagdami ng mamamayang diskuntento sa kasalukuyang administrasyon.

Ipinaliwanag ni Bishop Pabillo na ito ay dahil sa paglikha ng batas na hindi naman tutugon sa pangunahing suliranin na kinakaharap ng bansa lalu sa COVID-19 pandemic.

Ito ang pahayag ng obispo sa ginanap na online press conference sa isinusulong na Junk Terror Law at Uphold PH Constitution kasama ang mga kinatawan mula sa CBCP-Nassa, Non-government Organization at civil society.

Tinukoy ni Bishop Pabillo ang patuloy na paglala ng suliranin ng mga Filipino dahil sa banta ng virus na nagreresulta ng kakulangan sa trabaho, public transport at pagkagutom ng maraming mamamayan.

“Ang anti-terror law ay hindi naman nakakatugon sa mga problemang ito. Ang mga problemang ito ay ang ugat ng terorismo, kung hindi matutugunan ang mga ito patuloy na magiging diskuntento ang mga tao at madali silang maakit ng mga grupo na naghahanap ng gulo sa lipunan,” ayon kay Bishop Pabillo.

Nag-aalala ang obispo na dahil sa anti-terror law at malawakang kagutuman ang maging dahilan ng mamamayan na mahikayat na lumahok sa mga grupong laban sa pamahalaan.

Ipinagdarasal ni Bishop Pabillo na kontrobersiyal na batas ay magiging ugat ng terorismo kapag hindi matutugunan ang pangunahing pangangailangan ng mamamayan.

Aminado ang Obispo na nakakagalit at nakakalungkot ang paglagda ng Pangulong Rodrigo Duterte sa isang batas na hindi masusing pinag-aralan.

“Sa totoo lang ang anti-terror law ay hindi naman laban sa terorista. Ito ay pampanakot sa mga tao na nakakaranas ng kapalpakan ng pamahalaan sa pagtugon sa basic services at kasalukuyang pandemya. Ang batas na ito ay madaling gamitin laban sa mga taong nanawagan ng pagbabago sa pamahalaan,” dagdag pa ng obispo.

Nilinaw naman ni Bishop Pabillo na ito ay ang kaniyang personal na opinion at hindi bilang kinatawan ng anumang grupo.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 50,440 total views

 50,440 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 62,157 total views

 62,157 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 82,990 total views

 82,990 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 98,714 total views

 98,714 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 107,948 total views

 107,948 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Marian Pulgo

Dating Pangulong Duterte, inaresto sa NAIA

 4,912 total views

 4,912 total views Inaresto ngayong umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos ihain ng mga awtoridad ang warrant of arrest

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top