Mayor Isko, pinasalamatan ng Apostolic Administrator ng Archdiocese of Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 744 total reads

July 8, 2020, 10:16AM

Nagpasalamat si Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa pamahalaang lungsod ng Maynila sa pakikiisa sa muling pagbubukas ng mga simbahan sa mas maraming bilang ng mananampalataya.

Ito ay kasunod ng sulat na ipinadala ni Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa arkidiyosesis kung saan suportado nito ang pagpayag ng Inter Agency Tasks Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na 10-porsiyento ng kapasidad ng simbahan ang maaring makadalo sa church services.

Isinasaad sa liham ng alkalde na dapat mahigpit na sundin ng simbahan ang mga safety health protocols na ipinatutupad upang maiwasan ang pagkahawa sa corona virus disease.

“Please consider this writing as the city’s expression of non-objection to your religious gatherings provided that all the requirements and conditions set forth in the aforequoted provision are duly observed and complied with,” bahagi ng liham ni Mayor Domagoso kay Bishop Pabillo.

Naunang pinasalamatan at pinuri ni Bishop Pabillo ang I-A-T-F nang pahintulutan ang sampung porsyentong kapasidad sa mga simbahan na nasa lugar ng General Community Quarantine kabilang na ang National Capital Region mula sa dating 10-katao lamang.

Binigyang diin ng obispo na nakahanda na ang mga pari sa buong arkdiyosesis upang tumanggap ng mas maraming bilang ng mananampalataya sa mga parokya kasabay ng pagpapatupad ng mga safety protocols tulad ng physical distancing, paglalagay ng foot bath at alcohol sa mga simbahan.

Sinabi ni Bishop Pabillo na naaangkop ang bagong panuntunan ng I-A-T-F at go signal ni Mayor Isko sa mga mananampalataya na nais dumalo sa mga banal na pagdiriwang araw-araw lalo na sa Linggo.

Ipatutupad ang sampung porsyentong kapasidad sa mga simbahan sa ika – 10 ng Hulyo base sa anunsiyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 21,793 total reads

 21,793 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 73,430 total reads

 73,430 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 121,301 total reads

 121,301 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 225,249 total reads

 225,249 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 310,213 total reads

 310,213 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top