Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Anti-terrorism law, mapanganib sa mga pari

SHARE THE TRUTH

 464 total views

July 8, 2020-2:31pm

Mapanganib din maging sa mga pari ng simbahang katolika ang isinabatas na Anti-Terrorism Law.

Ito ang inihayag ni Manila Apostolic Bishop Broderick Pabillo, lalu’t kabilang sa mga gawaing ng mga lingcod ng simbahan ang makihalubilo sa iba’t ibang uri ng mga tao, maging iba pa ang kanilang pananampalataya at paniniwala.

Ayon pa sa obispo, karaniwan na rin sa mga pari ang pagtulong lalu sa mga dukha maging sa mga taong pinagkakaitan ng karapatan at biktima ng pang-aabuso.

“Ang problema natin sa mga pari, lalung lalu na sa mga probinsya kasi sila ang puntahan ng mga tao, katutubo, sila ang tumutulong sa mga tao kapag walang pagkain,” ayon sa pahayag ni Bishop Pabillo sa programang Pastoral Visit sa Barangay Simbayanan.

Dagdag pa ni Bishop Pabillo; “Paano kung natulungan nila ang isang pamilya, tapos sasabihin ng military na sila ay terorista, so pati si Father ngayon ay sangkot na. Kasi siya ay tumulong sa mga nangangailangan. Kaya nga maraming mga pari at madre sa probinsya natin ay nagkakaroon ng red tagging. Hindi naman sa sila ay kumikilos sa bundok kundi sila ay tumutulong sa mga tao nangangailangan at dahil dyan sila ay nared-tag sila. So yan po ang problema.”

Sinabi pa ng obispo na may mga programa rin ang simbahan tulad ng ‘sanctuary’ o pagbibigay ng proteksyon sa mga taong naapi at mga testigo na maari ding gamiting paratang sa pagkakanlong ng mga paghihinalaang terorista o lumalaban sa gobyerno.

Kabilang si Bishop Pabillo sa mga opisyal ng simbahan na hayagang tutol sa pagsabatas ng anti-terror bill

Bukod sa obispo, ilan pang mga opisyal ng simbahan at mga institusyon ang nagpahayag ng pagtutol sa minadaling pagsasabatas ng anti-terror law kabilang na dito ang Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP), Philippine Misereor Partnership Inc. (PMPI), CBCP-Nassa at Catholic Educational Association in the Philippines (CEAP).

Naniniwala ang grupo na walang sapat na safety measures ang batas para pangalagaan ang mga inosenteng mamamayan na maaring mapaghinalaang mga terorista o kaanib ng makakaliwang grupo.

Binigyan diin din ng simbahan na hindi rin napapanahon ang pagsasabatas lalu’t nahaharap sa krisis ang bansa mula sa epekto ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nahahawaan ng novel coronavirus.

Una na ring nagpahayag ng pangamba si Bishop Pabillo na dahil sa anti-terror law at malawakang kagutuman ang maging dahilan pa ng mamamayan na mahikayat na lumahok sa mga grupong laban sa pamahalaan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 44,163 total views

 44,163 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 81,644 total views

 81,644 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 113,639 total views

 113,639 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 158,372 total views

 158,372 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 181,318 total views

 181,318 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 8,454 total views

 8,454 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 18,985 total views

 18,985 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Pope Leo XIV: ‘War is never holy’

 38,689 total views

 38,689 total views Nanawagan si Pope Leo XIV para sa kapayapaan at pagkakaisa sa pagitan ng mga bansa at relihiyon sa pandaigdigang pagtitipon ng Community of

Read More »
Scroll to Top