Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Apostolic Vicariate of Jolo, ikinalungkot ang unang kaso ng COVID-19 sa Tawi-Tawi

SHARE THE TRUTH

 411 total views

July 8, 2020, 3:31PM

Ikinalungkot ng Apostolic Vicariate of Jolo ang pagkakaroon ng unang kaso ng Coronavirus Disease 2019 sa probinsiya ng Tawi-Tawi.

Ayon kay Jolo Bishop-elect Charlie Inzon, OMI, nakalulungkot na sa kabila ng maituturing na “natural quarantine” ng Tawi-Tawi dahil sa pagiging isla nito ay nagkaroon pa rin ng kaso ng nakahahawa at nakamamatay na sakit.

Ipinaliwanag ng Obispo na ang pagiging isla ng Sulu at Tawi-Tawi ay isang natural na proteksiyon ng mamamayan kung matitiyak lamang ang mahigpit na mga patakaran at alituntunin sa pagpasok ng mga nagmula sa ibang lugar.

“Siyempre nalulungkot tayo kasi itong mga lugar na ito parang merong natural quarantine yan sila kasi diba mga island sila Island of Tawi-Tawi, Island of Sulu so dapat parang shielded sila sana kung walang mga pumapasok shielded sana sila from the virus kasi yun yung natural protection nila surrounded by mga dagat…”pahayag ni Bishop-elect Inzon

Tinukoy ni Bishop-elect Inzon ang isla ng Tawi-Tawi na dahil sa geographical situation na may halos isang oras ang pagitan ng mga bayan ay mayroon sanang natural na proteksiyon mula sa COVID-19 kung nasasala ng mabuti ang mga papasok ng probinsya.

“Lalo na sa Tawi-Tawi island towns kasi sila yung mga towns one-hour yung (pagitan) one town, so yung pagpasok nung virus parang nasasala na agad diba, parang may natural quarantine sila kaya swerte din yung lugar dito dahil sa ganung geographical situation…”Dagdag pa ni Bishop-elect Inzon.

Ayon sa Tawi-Tawi IATF, ang unang kaso ng COVID-19 sa probinsya ay 44 na taong gulang na lalaking PNP Personnel na mayroong travel history mula sa San Isidro, Quezon City na nagtungo ng Zamboanga City, Basilan pabalik ng Zamboanga City bago nagtungo ng Tawi-Tawi.

Dumating ito sa Bongao Port noong June 30, 2020 at asymptomatic na sa kasalukuyan ay naka-isolate na.

Buwan ng Abril taong kasalukuyan ng itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco si Bishop-elect Inzon bilang bagong Obispo ng Apostolic Vicariate of Jolo kahalili ni Cotabato Archbishop Angelito Lampon.

Ang Apostolic Vicariate of Jolo ay nakasasakop sa probinsya ng Sulu at Tawi-Tawi na may tinatayang higit sa 29,500 mga mananampalatayang Katoliko.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 44,938 total views

 44,938 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 82,419 total views

 82,419 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 114,414 total views

 114,414 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 159,141 total views

 159,141 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 182,087 total views

 182,087 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 9,181 total views

 9,181 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 19,669 total views

 19,669 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 9,182 total views

 9,182 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »

SLP, nanawagan ng katarungan sa ICC

 61,578 total views

 61,578 total views Nanawagan ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas (LAIKO) ng katarungan sa gitna ng ulat ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) hinggil sa mga maanomalyaang

Read More »

Walang itinatakwil ang Panginoon

 39,166 total views

 39,166 total views Binigyang-diin ni Tandag Bishop Raul Dael na walang sinuman ang itinatakwil o itinuring na walang pag-asa ng Diyos, maging ang mga Persons Deprived

Read More »

PDL’s, mga anak ng Diyos-Bishop Florencio

 46,105 total views

 46,105 total views Binigyang-diin ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio, chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (ECPPC), na kailanman ay

Read More »
Scroll to Top