Sangguniang Laiko ng Pilipinas, umaasang hindi magamit sa pang-aabuso ang anti-terror law

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 629 total reads

July 9, 2020, 1:42PM

Umaasa ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas na magkakaroon ng mga naaangkop na guidelines ang pagpapatupad ng Republic Act No. 1-1-4-7-9 o Anti-Terrorism Act of 2020 upang matiyak na hindi ito maabuso laban sa mga inosenteng mamamayan.

Ayon kay Sangguniang Laiko ng Pilipinas President Rouquel Ponte, mahalagang maging mapagmatyag at mapagbantay ang lahat sa panganib na dulot ng naturang batas.

Pinaalalahanan rin ni Ponte ang mga otoridad na maging makatarungan sa pagpapatupad ng batas upang maiwasan ang mga kaso ng pang-aabuso sa mga inosenteng mamamayan.

“It’s a law already so it has to be implemented. Sana yung mga guidelines so that there will be no abuses ay bantayan din ng mga authorities at the same time maybe the general public especially those who are seeing some concerns regarding this law. Maging mapagmatyag para ma-express din so let’s be vigilant as well”. pahayag ni Ponte sa panayam sa Radio Veritas.

Nagpahayag naman ng pagkabahala si Ponte sa naging marahas na implementasyon ng pamahalaan partikular na sa War on Drugs kung saan libo-libo ang nasawi na hindi nabigyan ng pagkakataon na ipagtanggol ang kanilang sarili sa hukuman.

“Unfortunate nga lang yung track record of this government has not been very high in terms of human rights but hopefully let us pray that as the general population becomes more vigilant and they will express parang the rights are respected hopefully hindi naman maabuso ito…“ Dagdag pa ni Ponte

Naunang ikinadismaya ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Anti-Terrorism Act of 2020 na maituturing na pagpapakita ng pagkamanhid nito sa pangangailangan ng bansa na nahaharap sa krisis na dulot ng COVID-19.

Sa kasalukuyan, may tatlong petisyon na ang inihain sa Korte Suprema na humihiling ng temporary restraining order o T-R-O laban sa batas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 64,412 total reads

 64,412 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 109,509 total reads

 109,509 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 131,711 total reads

 131,711 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 168,202 total reads

 168,202 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 385,012 total reads

 385,012 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top