Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mananampalataya, hinihikayat makiisa sa “Healing rosary for the world”

SHARE THE TRUTH

 413 total views

July 7, 2020, 11:49AM

Inaanyayahan ng Military Ordinariate of the Philippines ang mananampalataya na makiisa sa pananalangin upang mahinto na ang paglaganap ng corona virus hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong daigdig.

Ayon kay Bishop Oscar Jaime Florencio, mahalagang magkaisa ang mamamayan sa paghiling sa Panginoon ng Kanyang habag at awa upang matapos na ang krisis.

Ang mensahe ng obispo ay kaugnay sa gaganaping ‘healing rosary for the world’ sa ikawalo ng Hulyo ganap na alas 9 ng gabi sa inisyatibo ng Kanyang Kabanalan Francisco.

“Inaanyayahan ko kayo to join the healing rosary, the purpose of this is to pray to the Lord; na tayo ay magkaisa sa ating kampanya at pakikipaglaban sa COVID-19; hingin natin sa Panginoon na matuldukan na ito according to His will,” pahayag ni Bishop Florencio sa panayam ng Radio Veritas.

Bagamat nakababahala ang patuloy na pagtaas ng kaso, sinabi ng Obispo na mahalagang magkaisa ang bawat indibidwal sa taimtim at tauspusong pananalangin sa Diyos upang gabayan at tulungan sa pagharap sa mga pagsubok na idinudulot ng COVID-19.

Ipagdasal din ni Bishop Florencio, vice chairman ng Health ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga frontliners na kabilang sa hanay ng sandatahang lakas ng Pilipinas at mga kawani ng mga pagamutan.

“We also pray for our frontliners ang AFP, PNP, Coastguard, BJMP, BFP, ang ating men and women in uniform at higit sa lahat ang mga medical professionals na working in the hospital,” ayon kay Bishop Florencio.

Sa pinakahuling ulat ng Department of Health umabot na sa 46, 333 ang nagpositibo sa Pilipinas kung saan 12, 185 ang gumaling habang higit isanlibo naman ang nasawi.

Sa naturang bilang halos isanlibo dito ay mga PNP personnel, at higit sa tatlong libo ay mga medical healthcare workers.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 70,412 total views

 70,412 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 78,187 total views

 78,187 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 86,367 total views

 86,367 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 101,976 total views

 101,976 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 105,919 total views

 105,919 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top