Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sangguniang Laiko ng Pilipinas, nagpapasalamat sa IATF

SHARE THE TRUTH

 379 total views

July 6, 2020, 2:16PM

Nagpaabot ng pasasalamat ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas sa Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-MEID) sa pagpapahintulot na makadalo sa mga religious gathering ang 10-porsyento ng mananampalataya sa kapasidad ng Simbahan sa mga lugar na nasa General Community Quarantine.

Ayon kay Sangguniang Laiko ng Pilipinas President Rouquel Ponte, ang bagong panuntunan ng I-A-T-F ay isang magandang balita para sa mga mananampalataya na mahigit 3-buwan ng hindi makadalo sa mga banal na gawain sa Simbahan bilang pag-iingat sa COVID-19.

Pinayuhan naman ni Ponte ang 90-porsiyento ng mananampalataya na pansamantala munang makibahagi sa online mass ng iba’t-ibang mga parokya.

“That’s a very good development at saka lalo na ang Archdiocese of Manila have advice the parishes na istriktuhan din yung pag-iimplement nitong policy na ito, so it’s a good development. Nagpapatuloy pa rin naman yung online masses for the other 90-percent, so hopefully we will be going back to a little bit of normal and I thank the I-A-T-F” pasasalamat ni Ponte sa panayam sa Radyo Veritas.

Hinikayat naman ni Ponte ang bawat mananampalataya na patuloy na sumunod sa mga safety health protocols na ipinatutupad ng pamahalaan at simbahan sa pakikibahagi sa mga banal na gawain.

Ipinaliwanag ni Ponte na ang pagsunod sa mga panuntunan ay para sa kaligtasan at kapakanan ng lahat.

“Sana sundin natin, napakaganda ng ipinalabas ng Archdiocese of Manila as well as all the other dioceses na mga guidelines. Hindi naman sariling safety natin pati the safety of others. Balance natin na makapagpahayag ng faith through the mass at the same time also keeping others safe as well…”apela ni Ponte.

Ika-5 ng Hulyo nagsagawa ng ‘dry run’ ang ilang mga Simbahan kaugnay sa panibagong panuntunan ng I-A-T-F na opisyal na ipatutupad sa ika-10 ng Hulyo.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 138,506 total views

 138,506 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 146,281 total views

 146,281 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 154,461 total views

 154,461 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 169,015 total views

 169,015 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 172,958 total views

 172,958 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, nagluluksa pagpanaw ni Lolo Kiko

 2,969 total views

 2,969 total views Nagpahayag ng pakikiisa ang Council of the Laity of the Philippines sa pagluluksa ng buong daigdig sa pagpanaw ni Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 28,197 total views

 28,197 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 28,882 total views

 28,882 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top