Pangulong Duterte, manhid sa pangangailangan ng mga Filipino

SHARE THE TRUTH

 268 total views

July 5, 2020, 3:15PM

Ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Republic Act No. 1-1-4-7-9 o Anti-Terrorism Act of 2020 ay pagpapakita ng pagkamanhid sa tunay na mga pangangailangan ng bayan.

Ito ang reaksyon ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo matapos lagdaan bilang batas ni Pangulong Duterte ang Anti-Terrorism Bill noong ika-3 ng Hulyo.

Ayon sa Obispo, malaki ang problema ng bayan sa kasalukuyan na mas dapat na pagtuunan ng pansin ng pamahalaan tulad na lamang ng problema sa krisis na dulot ng COVID-19 kabilang na ang kawalan ng trabaho at kakulangan ng pampublikong transportasyon.

Ipinaliwanag ni Bishop Pabillo na hindi kabilang ang problema ng terorismo sa mga pangunahing problema na kinahaharap ng mamamayan.

Iginiit ng Obispo na ang pagsasabatas sa Anti-Terrorism Act of 2020 ay isa lamang instrumento upang takutin ang mga nagpapahayag ng mga saloobin kaugnay sa mga mali at kawalang katarungan na nagaganap sa bansa.

“Ang pagpipirma po ng Presidente sa Anti-Terrorism Bill na ngayon ay Anti-Terrorism Law yan po ay nagpapakita ng kanyang pagkamanhid sa pangangailangan ng bayan, ang laki ng problema ng bayan ngayon dahil po sa sakit (COVID-19), sa kawalan ng trabaho, dahil sa transportasyon at hindi po ang problema natin ang mga terorista, ngunit yan po ay pinirmahan, nilagdaan upang po takutin ang mga tao na magsasalita laban sa mga pagkakamali ng pamahalaan…”pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam sa Radio Veritas.

Nananatili namang positibo ang Obispo na hindi pa nagtatapos ang laban bagamat nilagdaan na ng Pangulo ang naturang batas.

Ayon kay Bishop Pabillo, maari pang umapela ang bayan sa Korte Suprema lalo na’t hindi kailanman dapat na magkabisa ang mga batas na mapapatunayang hindi makatarungan.

Pagbabahagi pa ng Obispo, patuloy na pagsusumikapan ng Simbahan na ipaabot at ibukas ang kamalayan ng mga mamamayan sa panganib na hatid ng naturang batas na maaring maabuso at gamitin laban sa mga inosenteng indibidwal.

“Hindi naman dahil nilagdaan na, hindi naman dahil naging batas na yan ay tapos na ang laban kasi meron pa sa Supreme Court at alam naman natin lahat ng batas kapag yan ay hindi makatarungan walang bisa kaya nga pinagsisikapan din natin na ipaabot sa tao ang pagkapeligroso ng batas na ito na talagang gagamitin ito sa pang-aabuso…”Dagdag pa ni Bishop

Nauna rito, umaasa si CBCP-NASSA/Caritas Philippines Vice-Chairman na magkaisa at manindigan ang mga Filipino upang ipakita ang pagtutol sa kontrobersiyal na batas.

Read: https://www.veritas846.ph/manindigan-laban-sa-anti-terror-act-of-2020-panawagan-ng-mamamayan-sa-taongbayan/

Ika-3 ng Hulyo ng lagdaan ni Pangulong Duterte ang Anti-Terrorism Act of 2020 na nauna ng sinertipikahan bilang ‘urgent’ na panukala na mag-aamyenda sa kasalukuyang Anti-Terrorism Law ng bansa.

Sa ilalim ng naturang batas pinapalawig ang panahon na maaring ikulong kahit wala pang kaso ang mga hinihinalang terorista sa loob ng hanggang 24 na araw kumpara sa 3-araw lamang na nasasaad sa kasalukuyang Anti-Terrorism Law.

Bukod pa dito ang pagpapalawig sa panahon na puwedeng manmanan ang mga hinihinalang terorista hanggang sa 60-araw mula sa dating 30-araw.

Hindi na rin kakailanganin sa ilalim ng panibagong batas na makasuhan ang mga otoridad sakaling magkaroon ng wrongful arrest.

Hiniling na rin ng grupo ng mga abogado at educators sa Korte Suprema na maglabas ng Temporary Restraining Order o TRO laban sa nilagdaang batas ng Pangulong Duterte.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Farm lots

 2,491 total views

 2,491 total views Kapanalig, usong uso na ang farm lots sa ngayon. Kapag sumilip ka sa social media, ang daming nagbebenta ng mga lupang agrikultural. May mga mahal, may mga mura. May mga rights lang na tinatawag, may mga may titulo o certificates. Madami ang nais bumili, kapanalig, kaya nga’t tumataas ng tumataas ang halaga ng

Read More »

Wage Gap

 3,731 total views

 3,731 total views Kapanalig, ang ganda ng achievement ng Pilipinas pagdating sa gender equality in education. Sa larangan kasi ng edukasyon, equal na o pantay na ang access ng babae at lalake. Sana hindi natin masayang ito kapanalig. Malaking milestone na ito pagdating sa gender issues sa ating bayan. Kaya lamang pagtapos makapag-aral ng maraming kababaihan,

Read More »

Education Equality

 13,744 total views

 13,744 total views Kapanalig, ang gender equality sa Pilipinas ay isa sa mga hinahangaan sa Asya. Itong 2023, pang 16 pa nga ang bayan sa 146 countries sa buong mundo pagdating sa gender equality, ayon sa Global Gender Gap Index Report. Pang 19 tayo dito noong 2022. Tayo ang pinaka gender equal sa Asya. Apat na

Read More »

Bigyang-pansin ang pagpapabakuna

 23,650 total views

 23,650 total views Mga Kapanalig, ang inyong mga anak, gaya ng sabi sa Mga Awit 127:3, ay mga pagpapalang kaloob ni Yahweh. Bilang mga regalong galing sa ating Diyos, paano ninyo ipinakikita ang pagpapahalaga sa inyong mga anak? Siguro, ang pinakamadaling sagot dito ay ang pagbibigay ng kanilang mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, tirahan, at

Read More »

Inclusive mobility

 38,415 total views

 38,415 total views Mga Kapanalig, simula ngayong linggo, bawal nang dumaan ang mga light electric vehicles (o LEVs) katulad ng e-bikes, e-trikes, at e-scooters sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila. Ang lalabag sa patakarang ito ng MMDA ay pagmumultahin ng ₱2,500. Kukumpiskahin din ang ‘di rehistradong LEV. Hindi natin maikakailang dumarami ang tumatangkilik ng LEVs

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Pagpapatigil ng human rights violations sa Negros island, apela ng Obispo sa pamahalaan

 928 total views

 928 total views Umaapela ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan sa pagbibigay seguridad at katarungang panlipunan sa Negros island. Ito ang mensahe ni Diocese of San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, Vice-President ng Caritas Philippines bilang suporta sa isinasagawang 24-hour Fasting Protest ng mga political

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

100-political prisoners, magsasagawa ng 24-hour fasting protest

 2,472 total views

 2,472 total views Magsasagawa ng 24-hour Fasting Protest ang may 100-political prisoners sa Negros island upang ipanawagan sa Commission on Human Rights (CHR) ang pagsagawa ng maayos na imbestigasyon sa mga kaso ng human rights violations na nagaganap sa lalawigan. Inihayag ng Negros Occidental Chapter ng Kapisanan para sa Pagpapalaya ng mga Detinidong Pulitikal sa Pilipinas

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Pagkilala sa mga kababaihan, nararapat at napapanahon

 3,146 total views

 3,146 total views Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na napapanahon ang pagbibigay halaga at pangunguna ng Kanyang Kabanalan Francisco sa pananalangin para sa kapakanan ng mga kababaihan para sa patas na pagtingin sa bawat isa sa lipunan. Ito ang ibinahagi ni CBCP Office on Women chairman Borongan Bishop Crispin

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Ecumenical council sa Negros, nagpahayag ng pakikiisa sa Palestina

 9,095 total views

 9,095 total views Nagpahayag ng suporta at pakikiisa sa bansang Palestina ang One Negros Ecumenical Council (ONE-C) na binubuo ng mga opisyal ng Roman Catholic Church, Iglesia Filipina Independiente (IFI) at United Church of Christ of the Philippines (UCCP) sa Negros-island. Sa isang solidarity message na nilagdaan ng apat na opisyal ng iba’t ibang denominasyon mula

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Historical revisionism, pipigilan ng Martial Law Digital Library

 10,079 total views

 10,079 total views Naniniwala ang Ateneo Martial Law Museum na kinakailangang balikan ang kasaysayan ng bansa o mga nangyari sa nakaraan upang tumimo ang mga aral na hatid nito at maiwasang maulit sa kasalukuyang panahon. Ito ang ibinahagi ni Oliver John Quintana – coordinator ng Ateneo Martial Law Museum and Library sa programang Barangay Simbayanan sa

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Mamamayan, binalaan sa pekeng email account ni Archbishop Palma

 6,023 total views

 6,023 total views Muling nagbabala sa publiko ang Archdiocese of Cebu kaugnay sa mga gumagamit ng pekeng email account na nakapangalan kay Cebu Archbishop Jose Palma. Bahagi ng babala ng arkidiyosesis ang pag-iingat ng publiko sa pakikipag-ugnayan at pakikipag-komunikasyon sa mga mapanamantalang indibidwal na ginagamit ang pangalan ni Archbishop Palma sa paghingi ng donasyon at tulong

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Pastoral fund outsourcing, inilunsad ng Prelatura ng Batanes

 6,618 total views

 6,618 total views Ibinahagi ni Batanes Bishop Danilo Ulep ang isinasagawang pangangalap ng pondo ng Prelatura ng Batanes upang maisakatuparan ang mga programa ng Simbahan para sa mamamayan ng lalawigan. Sa programang pastoral visit on-air ni Bishop Ulep sa Radio Veritas ay ibinahagi ng Obispo ang kanyang panibagong misyon na makapangalap ng pondo upang maisakatuparan ang

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Pahalagahan ang tinatamasang kalayaan ng Pilipinas, panawagan ni Bishop Santos Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na mahalagang patuloy na alalahanin at pasalamatan ang mga bayaning nagpamalas ng kagitingan para sa kapakanan ng bansa.

 8,720 total views

 8,720 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Antipolo Bishop Ruperto Santos – vice chairman ng migrants ministry ng CBCP sa ika-82 taong paggunita sa Araw ng Kagitingan. Ayon sa Obispo, naaangkop lamang na patuloy na pasalamatan ang mga nagbuwis ng kanilang buhay para sa karapatan at dignidad ng mga Pilipino lalo’t higit para sa

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, ipagdarasal ang kapakanan ng mga kababaihan

 11,083 total views

 11,083 total views Tiniyak ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pakikiisa sa Kanyang Kabanalan Francisco sa pananalangin para sa mga kababaihan ngayong buwan ng Abril. Ito ang ibinahagi ni LAIKO National President Francisco Xavier Padilla, kaugnay sa prayer intention ni Pope Francis ngayong buwan na inilaan para sa mahalagang papel ng mga kababaihan sa lipunan. Ayon

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Ika-49 founding anniversary, payak na ipinagdiwang ng CBCP-ECPPC

 18,146 total views

 18,146 total views Pinangunahan ni Military Ordinariate of the Philippines Bishops Oscar Jaime Florencio ang pagdiriwang ng ika-49 na anibersaryo ng pagkakatatag sa prison ministry arm ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP). Payak na ginunita ng CBCP-ECPPC ang founding anniversary sa pamamagitan ng banal na misa sa pangunguna ni Bishop Florencio. Ayon sa Obispo,

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Katarungan para sa mga biktima ni Quiboloy, panawagan ng CMSP

 35,389 total views

 35,389 total views Nagkaisa ang mga Mission Partners ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) sa pananawagan ng katarungan para sa mga biktima ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy. Suportado ng CMSP Mission Partners ang isinasagawang imbestigasyon ng Senado sa pangunguna ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Pambansang pagkilos para sa buhay, ikinatuwa ng SLP

 34,910 total views

 34,910 total views Nagpahayag ng kagalakan ang implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity sa patuloy na pagsasagawa ng Walk for Life ng iba’t ibang mga institusyon ng Simbahan at diyosesis sa buong bansa. Ayon kay Sangguniang Laiko ng Pilipinas President Francisco Xavier Padilla, nakatutuwang makita ang mariing

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

CBCP, nagpaabot ng pakikiisa sa mga Muslim

 22,642 total views

 22,642 total views Nagpahayag ng pakikiisa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa paggunita ng mga Muslim sa panahon ng Ramadan. Ayon kay CBCP Episcopal Commission for Interreligious Dialogue Chairman, Marawi Bishop Edwin de la Peña, kaisa ng mga Muslim ang mga Kristiyano’t Katoliko sa pagbibigay halaga sa layunin ng Banal na Buwan ng Ramadan.

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

CMSP, nababahala sa Cha-Cha

 22,804 total views

 22,804 total views Naninindigan ang Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) laban sa isinusulong na pag-amyenda ng Saligang Batas ng Pilipinas. Sa isinapublikong pahayag ng CMSP na kapwa pinangangasiwaan bilang Co-Chairpersons nina Rev. Fr. Elias Ayuban, Jr., CMF at Sr. Cecilia Espenilla, OP ay inihayag ng oganisasyon ang pagkabahala sa tunay na intensyon ng

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Lent is a time to change, a time of change”- Archbishop Tirona

 27,406 total views

 27,406 total views Inaanyayahan ni Caceres Archbishop-emeritus Rolando Tria Tirona ang mananampalataya na samantalahin ang panahon ng Kuwaresma sa pagbabalik-loob sa Panginoon. Ayon sa Arsobispo, ang panahon ng Kuwaresma ay isang pagkakataon upang makapagbago hindi lamang ng paraan ng pag-iisip kundi maging sa pagkilos upang higit na mapalapit sa Diyos. Paliwanag ni Archbishop Tirona, mahalaga ring

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top