Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Apostolic Administrator ng Archdiocese of Manila, nanawagan sa franchise renewal ng ABS-CBN

SHARE THE TRUTH

 328 total views

July 5, 2020, 11:02AM

Nakiisa ang Arkidiyosesis ng Maynila sa pananawagan sa Kongreso na payagan ang operasyon ng ABS-CBN sa pamamamgitan ng pagkakaloob ng prangkisa.

Sa mensahe ni Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, binigyang diin nito ang kahalagahan ng media network na katuwang sa paghahayag ng mga impormasyon sa publiko.

Hiling ng obispo sa mga mambabatas na iwasan ang pamumulitika sa pagbibigay ng prangkisa sa Kapamilya network sa halip ay isaalang-alang ang kabutihan ng nakararami.

“Hinihiling po namin na sana hanapin ng mga kongresista ang ikabubuti sa pangkalahatan at hindi ang political agenda ng mga namumuno,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Sinabi ng Obispo na higit kinakailangan ng mamamayan sa panahong ng pandemya ang mga balita tungkol sa tunay na kalagayan ng lipunan at ang entertainment para malibang ang mga tao habang ipinatutupad ang community quarantine sa iba’t- ibang dako ng bansa.

Sa kabila ng pagluwag ng mga panuntunan ng lockdown sa Pilipinas, hinimok pa rin ng mga medical experts ang mamamayan na manatili lamang sa mga tahanan kung hindi mahalaga ang mga pupuntahan upang makaiwas sa pagkahawa-hawa ng corona virus.

“Nanawagan po ako sa mga Kongresista na boboto sa franchise ng ABS-CBN ito po ay kailangan ng mga tao; lalong lalo na sa panahon ngayon na kailangang kailangan nila ng balita, ng mga pahayag at entertainment sa panahong ito na may community quarantine dahil sa pandemic,” giit ni Bishop Pabillo.

Nakatakdang magbobotohan ang mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa 25-year franchise ng ABS-CBN sa ikaanim ng Hulyo sa pangunguna ng Franchise Committee at ng Good Government and Public Accountability committee.

Dismayado ang pamunuan ng Kapamilya Network sa tila panggigipit ng pamahalaan sa renewal ng kanilang prankisa lalo’t maraming mga broadcast franchise ang napaso na ang prankisa ngunit pinapayagan ng National Telecommunications Communications na magpatuloy sa pag-broadcast kabilang na rito ang prangkisa ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Ikinalungkot ni Bishop Pabillo na nagagamit ang kongreso sa pamumulitika lalo na sa mga kritiko at pumupuna sa mga maling polisiya ng kasalukuyang administrasyon.

“Mahayag po nakikita natin ngayon itong pagbibigay ng franchise sa ABS-CBN ay hindi na hinahanap ang kabutihan ng pangkalahatan, ang kominukasyon; ngunit ginagawang political tool na pagko-control sa media, at sa press,” giit ni Bishop Pabillo.

Matatandaang ikalima ng Mayo ng huminto sa pag-broadcast ang ABS-CBN ganap alas 7:52 ng gabi kasunod ng cease and desist order ng NTC habang unang araw ng Hulyo naman ng itinigil ng network ang broadcast sa kanilang TV plus digital box dahil kabilang aniya ito sa CDO na inilabas ng NTC.

Umaasa ang tagapangasiwa ng arkidiyosesis ng Manila na isaalang-alang ng mga mambabatas na boboto sa desisyon ang kapakanan ng maraming Filipino at hindi ang interes ng iilang nasa kapangyarihan.

“Kaya dapat po sana ang mga kongresista ay panindigan nila ang tungkulin sa bayan at hindi po sa mga namumuno ng bansa,” dagdag ni Bishop Pabillo.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 80,220 total views

 80,220 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 87,995 total views

 87,995 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 96,175 total views

 96,175 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 111,715 total views

 111,715 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 115,658 total views

 115,658 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top