Obispo ng Batanes, humiling ng dasal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 327 total views

Humiling ng panalangin si Batanes Bishop Danilo Ulep para sa mamamayan ng isla partikular sa Itbayat na labis naapektuhan ng 5.4 magnitude na lindol.

Ayon sa Obispo patuloy pa ang kanilang pagmomonitor sa pinakamalayong isla ng Batanes sapagkat nanatiling pahirapan ang pagpunta sa Itbayat.

“We are trying to find a way including my priest how to get there [Itbayat] to monitor, hopefully the government and the militar will be able to send some rescue mission in Itbayat kasi ang problema ang pagpunta doon right now,” pahayag ni Bishop Ulep sa Radio Veritas.

Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) unang yumanig ang 5.4 magnitude na lindol alas 4:16 ng madaling araw at nasundan pa ng ilang aftershock na naramdaman.

Sa inisyal na pahayag ni Itbayat Mayor Raul de Sagon walong katao ang nasawi habang higit sa 60 ang nasugatan dahil sa pagbagsak ng kanilang mga bahay kung saan karamihan sa mag residente ay natutulog pa nung maganap ang pagyanig.

Ayon kay Bishop Ulep patuloy ang kanilang pagkalap ng mga impormasyon sa lawak ng nasira ng lindol partikular ang simbahan ng Itbayat na bumagsak ang ilang bahagi at nagtamo ng maraming mga bitak.

Dalangin ng Obispo na nawa’y pagkalooban ng Panginoon ng kalakasan at katatagan ang bawat mananampalataya sa Batanes na apektado ng lindol lalo na ang pamilya ng mga nasawing biktima.

Ang pagyanig sa Batanes ay kasabay ng pagsagawa ng ikalimang Duck, Cover Hold Metro Manila Shake Drill sa madaling araw ng ika 27 ng Hulyo bilang paghahanda kung tumama ang pinangangambahang ‘The Big One’.

PRAYER

Heavenly Father, we ask you to look kindly our people, especially the mostly affected in this recent earthquake in our locality especially in the island of Batanes. We ask you Lord to give us the grace to be able to cope with the effect of the earthquake and particularly bring to your eternal embrace and so also those who perish and those who are still trying to recover the effects of this earthquake. Na sana Panginoon ay mabigyan sila ng lakas na bumangon sa naging epekto nitong paglindol.

Bigyan mo rin kami ng lakas upang tanggapin na ikaw na makapangyarihan ang magiging sandalan namin sa gitna ng pagsubok na ito sa aming buhay. Hinihiling namin ito Panginoon sa ngalan ng iyong anak na si Hesus. Amen.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 85,988 total views

 85,988 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 85,988 total views

 85,988 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 85,988 total views

 85,988 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 83,388 total views

 83,388 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 76,135 total views

 76,135 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top