Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

OFWs sa Jordan, hinamong maging buhay na binhi ng salita ng Diyos

SHARE THE TRUTH

 273 total views

Ito ang hamon ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga Overseas Filipino Workers o O-F-W sa ganap na pagbubukas ng Filipino Chaplaincy sa Jordan na pangungunahan ni Father Gerald Metal mula sa Diocese of Antipolo.

Sa pagpapasinaya ng Filipino Ministry, hinimok ni Cardinal Tagle ang mga Filipino sa Jordan na maging buhay na binhi ng salita ng Diyos na magbubunga ng kabutihan.

Hinihiling ni Cardinal Tagle na masalamin nawa ng ibang lahi si Hesus sa mga Filipinong nagsasabuhay ng kanyang turo.

“Ang ating hamon po sa mga kapatid nating Filipino dito, paano ba natin tatanggapin ang salita ng Diyos para mamunga sa ating buhay. Pero tayo rin ay binhi na buhay ng salita ng Diyos na tinanim ng Diyos dito sa lupain ng Jordan, sana po ipanalangin natin sila para sila ay mamunga at makita sa kanila, sa kanilang pagsaksi sa salita ng Diyos, makita ng mga tao si Hesus ang salita ng Diyos na naging tao,”mensahe ni Cardinal Tagle na ibinahagi ni Father Metal sa Radio Veritas

Sa huling tala noong 2014, umaabot sa 29,515 ang mga Filipinong manggagawa sa Jordan kung saan 16,519 ang documented habang 12,996 naman ang undocumented workers.

Hinikayat din ni Cardinal Tagle ang mga Filipinong may kamag-anak na O-F-W na ipanalangin ang kanilang kaligtasan at pahalagahan ang kanilang paghihirap na iniaalay para sa kanilang pamilya.

Ipinaalala ni Cardinal Tagle na higit sa salapi at materyal na bagay na ipinadadala ng mga O-F-W sa kanilang pamilya ay taglay nila ang mukha ng bawat Filipinong dumaraan sa maraming pagsubok para mapabuti ang kalagayan ng mga mahal sa buhay.

“Sana po ay pahalagahan natin ang bunga ng kanilang pagpapagal, hindi lamang po pera o ang ating tinatanggap, hindi lamang po gamit ang kanilang pinadadala, lahat po yan ay bunga ng kanilang pagod, luha, lungkot, pawis, minsan pagkakasakit, kaya huwag po naman nating babalewalain, o kaya’y wawaldasin. May mukha po ang mga yan, mukha ng kapatid nating Filipino, na para sa ating lahat ay dumaraan sa napakaraming pagsubok, samahan po natin sila, ipanalangin natin sila, tayo pong lahat ay pagpalain ng mapagmahal na Diyos.” dagdag pa ng Kardinal.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 83,036 total views

 83,036 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 90,811 total views

 90,811 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 98,991 total views

 98,991 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 114,523 total views

 114,523 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 118,466 total views

 118,466 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Veritas NewMedia

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 85,775 total views

 85,775 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Vatican Decree in time of Covid-19 (II)

 71,718 total views

 71,718 total views DECREE In time of Covid-19(II) Considering the rapidly evolving situation of the Covid-19 pandemic and taking into account observations which have come from

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top