347 total views
Nakiisa ang Apostolic Vicariate of Southern Arabia (AVOSA) sa pagdiriwang ng Pilipinas ng 500 Yeas of Christianity. Sa mensahe ni Bishop Paul Hinder pinasalamatan nito ang mga Filipino migrant’s sa Middle East sa patuloy na pagpapalaganap ng misyon katuwang ng simbahang katolika.
“I congratulate you for 500 Years of Christianity in your home country, I thank you for your tireless faith, hope and love; may you continue to spread the word of God,” mensahe ni Bishop Hinder.
Matatandaang inilunsad ng mga Pilipino sa United Arab Emirates ang 500YoC noong Abril 16, 2021 sa pangunguna ni Filipino Capuchin priest Fr. Troy Delos Santos ang Vicar General ng (AVOSA).
Ayon kay Rommel Pangilinan ang 500YoC coordinator ng UAE ito ay pagpapakita na buhay ang pananampalatayang kristiyano kahit sa ibayong dagat kung saan naroon ang mga Overseas Filipino Workers.
Sa mensahe naman ni Cardinal Luis Antonio Tagle, Prefect ng Congregation for the Evangelizations of People sa mga Pilipino sa UAE, hinimok nito ang bawat isa na muling pag-alabin ang pagbabahagi ng kaloob na pananampalataya lalo na sa mga kasalukuyang komunidad na kinabibilangan.
“This is a time to recommit ourselves to the gift of faith, to receive Jesus again and remember that the gift that we have receive should not be kept in ourselves, we should share the gift,” mensahe ni Cardinal Tagle.
Pebrero nang magsimula ang paghahanda ng mga Pilipino sa UAE para sa malaking pagdiriwang ng pananampalatayang kristiyano ng Pilipinas kung saan napanood sa official Facebook page na Katolikong Pinoy sa Abu Dhabi ang mga pagdiriwang.
Ibinahagi ni Pangilinan sa Radio Veritas na 500 katao ang dumalo sa paglunsad ng 500YoC sa St. Joseph’s Cathedral habang libu-libo naman ang umantabay sa livestream.
Batay sa tala ng Department of Foreign Affairs humigit kumulang sa 800-libo ang bilang ng mga Pilipino sa Middle East na karamihan ay mga kristiyano