It’s a community, not COMMUNIST’s – Bishop David

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 666 total reads

Nagpahayag ng suporta ang Diocese of Kalookan sa mga nagsusulong ng community pantries na kinukundina at iniuugnay sa mga komunistang grupo sa kabila ng mabuting layunin nito ngayong panahon ng pandemya.

Sa pagninilay ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, binigyang diin ng Obispo na siya ring Vice President ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na hindi dapat pagdudahan o iugnay sa Communist Party ang mga Community Pantry na mayroong malinaw na prinsipyo o simulain na isulong ang pagpapamalas ng Bayanihan sa malawak na epekto ng pandemya sa bansa.

Ayon kay Bishop David, ang naturang mga community pantry ay hindi lamang basta pagkakawanggang-gawa sa mga nangangailangan kundi nagsusulong rin ng pagtutulungan at pagkakaisa sa gitna ng pandemya.

“It’s COMMUNITY, not COMMUNIST. It’s PANTRY, not PARTY. The principle is: Share what you can; take what you need, a simple expression of our Bayanihan spirit. The couple who started it explained it well. It is “not charity but mutual aid.” We are responsible for one another.” pagninilay ni Bishop David.

Ipinaliwanag ni Bishop David na napapanahon ang prinsipyo at layunin ng mga community pantry kung saan humaharap ang bansa sa malakawak na krisis na dulot ng COVID-19 pandemic.

Pagbabahagi ng Obispo, higit na kailangan ng bayanihan at pagtutulungan ng bawat isa upang mapagaan ang pinagdadaanan ng mga higit na apektado ng pandemya kabilang na ang mga nawalan ng hanapbuhay at mapagkakakitaan gayundin ang mga dukha na higit na nahihirapan.

“This principle has never been more timely than now that we are in a global and national state of calamity caused by Covid19. Economies are in a state of meltdown. Business enterprises are folding up, millions of people are losing their jobs and their sources of livelihood. And obviously, the ones who are bound to suffer the most in times like these are the poor, those who live a hand-to-mouth existence.” Dagdag pa ni Bishop David.

Sa isa pang hiwalay na Facebook post, iginiit ni Bishop David na hindi krimen ang pagsasagawa ng mga Community Pantry sa halip ay pagpapamalas ng bayanihan ng taumbayan upang matugunan ang pangangailangan ng kapwa.

Ang naturang pahayag ng Obispo ay kasunod ng red-tagging at profiling ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa mga organizers ng community pantries partikular na kay Ana Patricia Non na nagpasimula ng Maginhawa Community Pantry noong ika-14 ng Abril, 2021.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 36,396 total reads

 36,396 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 75,934 total reads

 75,934 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 196,512 total reads

 196,512 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 246,870 total reads

 246,870 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 373,327 total reads

 373,327 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top