Makataong pagpapatupad ng quarantine protocols, panawagan ng CHR

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 728 total reads

Nanawagan ang Commission on Human Rights para sa mas mapayapa, mahinahon at makataong pagpapatupad ng mga quarantine protocols bilang pag-iingat mula sa pagkalat ng COVID-19 virus.

Ayon kay CHR spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, layunin ng mga panuntunan na maisalba at maprotektahan ang buhay at kapakanan ng bawat mamamayan at hindi magdulot ng panganib o kapahamakan.

“Amid the compounding difficulties that impact many vulnerable sectors, CHR reiterates the need for prudence and compassion in enforcing quarantine guidelines. The ultimate goal is to save more lives, not put human rights, including the right to life, in peril.” panawagan ng Commission on Human Rights.

Ang naturang panawagan ng kumisyon ay kasunod na rin ng panibagong insidente kung saan nasawi ang isang 12-taong gulang na hinabol ng mga barangay tanod dahil sa paglabag sa quarantine protocol sa Pasay City.

Ipinaliwanag ni Atty. De Guia na kabilang sa pangunahing layunin ng mga ipinatutupad na qurantine protocol ay ang maprotektahan ang mga kabataan mula sa virus at hindi upang maparusahan.

“Protecting children is among the primary aim of the quarantine guidelines with its restrictions for minors. It is deeply concerning and devastating when the implementation of this policy results in the deprivation of the utmost right to life of a child. According to a belated police report, 12-year old John Dave Pepito collapsed and died after being chased by two barangay tanods last 14 April 2021 in Barangay 179, Pasay City.” Dagdag pa ni Atty. De Guia.

Iginiit ni De Guia na sa halip na parusahan ang mga kabataang nakalabag sa quarantine protocols ay dapat na i-turn-over ang mga ito sa kanilang mga magulang o kaya naman ay sa mga social workers upang mabigyan ng naaangkop na kaparusahan tulad ng intervention at pangangaral.

“Children who commit quarantine infraction must be handled with utmost consideration to their welfare and rights. The quarantine policy is in place to protect the minors and the community, not to harm them. We also remind authorities that minors who are guilty of violating quarantine rules must be turned over to their parents, guardians, and/or a social worker so they are given proper interventions, guidance, and/or advice.” Ayon pa kay Atty. De Guia.

Ibinahagi rin ng tagapagsalitan ng kumisyon na kasalukuyan na ring iniimbestigahan ng CHR Investigation Office ang naganap na insidente upang magkaroon ng patas na pagsusuri sa tunay na naganap na insidente.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 36,399 total reads

 36,399 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 75,941 total reads

 75,941 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 196,519 total reads

 196,519 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 246,877 total reads

 246,877 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 373,333 total reads

 373,333 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top