Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

SVD at Apostolic Vicariate of San Jose Occidental Mindoro, nagluluksa sa pagpanaw ni Bishop Palang

SHARE THE TRUTH

 687 total views

Pumanaw na si Apostolic Vicariate of San Jose, Occidental Mindoro Bishop Antonio Palang nitong Abril 21, 2021. Batay sa social media post ng SVD Philippines, nasawi sa cardiac arrest ang 74 na taong gulang na obispo umaga ng Miyerkules.

Matatandaang Marso 2018 nang tanggapin ng Kanyang Kabanalan Francisco ang pagbitiw ni Bishop Palang bilang pinunong pastol ng bikaryato sa edad na 71 taong gulang o apat na taon bago maabot ang mandatory retirement age ng mga obispo na 75 taong gulang.

Si Bishop Palang na ipinanganak noong Hunyo 13, 1946 sa Consolacion Cebu ay inordinahang pari sa ilalim ng Society of the Divine Word noong Hulyo 8, 1972.

Hunyo 2000 nang italaga si Bishop Palang ni Pope John Paul II bilang paring tagapangasiwa ng Apostolic Vicariate ng San Jose sa Mindoro kasunod ng pagliban ni Bishop Vicente Manuel hanggang tuluyan na itong magbitiw noong Oktubre 2000.

Marso 2002 nang pormal na itinalagang obispo sa bikaryato habang Mayo 31, 2002 inordinahan at opisyal na iniluklok bilang bagong obispo ng Occidental Mindoro. Nang magbitiw noong 2018 muli namang itinalaga ni Pope Francis si Ilagan Bishop David William Antonio bilang obispong tagapangasiwa sa Apostolic Vicariate ng San Jose.

Sa kasalukuyan lima pa ang nanatiling sede vacante sa bansa ang Arkidiyosesis ng Capiz, Diyosesis ng Alaminos at Malaybalay at ang Apostolic Vicariate ng San Jose sa Mindoro at Taytay sa Palawan.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 121,448 total views

 121,448 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 129,223 total views

 129,223 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 137,403 total views

 137,403 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 152,220 total views

 152,220 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 156,163 total views

 156,163 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top