Pagpupugay sa mga nagbibigay-liwanag

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 605 total reads

Mga Kapanalig, sa kabila ng patuloy na pagkalat ng virus sa ating bansa, nakatutuwang isiping lumalaganap at lumilitaw din ang liwanag at kabutihan sa ating mga komunidad.

Noong nakaraang linggo, nag-viral sa social media ang isang babaeng naglagay ng isang community pantry sa Maginhawa Street dito sa Quezon City. Nais niyang ipamahagi ang sobrang relief goods o mga ayudang kanyang natanggap mula sa pamahalaan nang siya ay nakaramdam ng sintomas ng COVID-19 tatlong linggo na ang nakalipas. Nais niya raw ipamigay ang mga ito sa mga mas nangangailangan nang walang physical contact kaya naglagay siya ng isang kariton sa kanilang lugar. May mga libreng pagkain sa kariton katulad ng bigas, gulay, gatas, vitamins, kape, face masks, delatang pagkain, sopas, at iba pa.

“Magbigay ayon sa kakayahan, kumuha batay sa pangangailangan.” Ito ang nakasulat sa karatulang napapaalalang kahit sino ay maaaring maglagay ng gulay, prutas, at iba pang pagkain, na libre din namang makukuha ng sinumang nangangailangan. Makikita ang pagtutulungan ng mga residente sa lugar. May ilan sa kanilang nag-iiwan ng mga grocery items. Ang mga tricycle drivers naman na malapit sa pantry ay tumutulong na mag-repack ng bigas. Patunay ang inisyatibong ito na hindi laging totoong maraming mananamantala sa mga libreng pagkaing walang nagbabantay. Ang mga street sweepers, construction workers, at mga street dwellers na higit na nangangailangan ay kumukuha lamang ng sapat sa kanilang pangangailangan sa araw na iyon.

Napukaw ang atensyon at damdamin ng marami sa tinaguriang Maginhawa community pantry, at umani ito ng mga positibong reaksyon at komento sa social media. Naging inspirasyon din ito ng marami kaya naman unti-unti na ring nagsulputan ang iba pang community pantry sa iba’t ibang lugar. Sa hindi kalayuan mula sa Maginhawa community pantry, may nagtayo rin ng isa pang pantry sa Matiyaga Street ang Magsasaka Partylist na nag-aalok naman ng mga ani katulad ng kamote, kalabasa, papaya, at iba pang mga gulay na direktang nanggaling mula pa sa mga grupo ng mga magsasaka sa Tarlac. Ganito na rin ang ginagawa ng ilang residente sa Sampaloc sa Maynila. Mayroon silang libreng bigas, gulay, delatang pagkain, at iba pa. Patunay ang mga ganitong ginagawa ng ating mga kababayang malayo ang mararating ng pagtutulungan at ng pagbabahagi ng kung anumang mayroon tayo lalo na sa mga nangangailangan.

Sa kabila ng hinaharap nating krisis dulot ng pandemya, nakatutuwang makikita pa rin ang pagbubuklod-buklod ng mga mamamayan at komunidad lalo na’t hindi sapat ang inaasahang tulong mula sa ating pamahalaan. Ngayong damang-dama pa rin ang epekto ng pandemya kung saan marami na ang nawalan ng trabaho at marami ang nagugutom, sa mga inisyatibong katulad ng community pantry makikita ang importansya ng pagtutulungan na umuusbong mismo sa komunidad, sapagkat mabilis at agaran itong napakikinabangan ng mga tao.

Ngayong marami sa ating mga kababayan ang nawawalan na ng pag-asa at nabibigatan na sa pinapasang kalbaryo araw-araw, muli na namang lumilitaw ang ating pagkakaisa at pagtutulungan na siyang tunay na diwa ng bayanihan. Gaya ng paalala sa 1 Timoteo 6:18, matatamo natin ang tunay na buhay kung tayo ay gumagawa ng mabuti, mayaman sa mabuting gawa, at mapagbigay at matulungin sa ating kapwa. Ito rin ang isa sa mga mensahe ni Pope Francis sa kaniyang ensiklikal na Fratelli Tutti: walang sinuman ang nabubuhay nang mag-isa… Kailangan natin ng isang komunidad na sumusuporta at tumutulong sa atin, kung saan natutulungan natin ang isa’t isa.

Gyaunman, mga Kapanalig, bagamat kahanga-hanga ang mga inisyatibo ng mga pribadong indibidwal sa pagbibigay-liwanag sa mga kababayan nating nangangailangan, hindi ito magiging sapat lalo na kung marami pa ring pagkukulang ang ating pamahalaan sa pagtugon sa ating mga pangmatagalang pangangailangan.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 42,081 total reads

 42,081 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 139,518 total reads

 139,518 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 183,787 total reads

 183,787 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 206,896 total reads

 206,896 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 280,183 total reads

 280,183 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

TRUTH AWARDS

 42,082 total reads

 42,082 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 139,519 total reads

 139,519 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 183,788 total reads

 183,788 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 206,897 total reads

 206,897 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »
Scroll to Top