Online Gambling: “Digital Plague” na sumisira sa pamilya-Rep. Rodriguez

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,049 total reads

Nanawagan si Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ng agarang pagbabawal sa lahat ng uri ng online gambling sa bansa.

Sa kanyang privilege speech sa Mababang Kapulungan, binigyang-diin ng kongresita ang matinding pinsala ng online gambling sa kabataan, pamilya, at lipunan.

“I cannot, in good conscience, stand idly by while a digital plague—online gambling—is rapidly eroding the very foundation of our society,” ayon sa kongresita.

Ayon kay Rodriguez na mahigit 34 milyong Pilipino na ang sangkot sa online gambling base sa datos ng Digital Risk Observatory, kung saan 30% ay kabataang nasa edad 15 hanggang 24, na ang marami ay nagsimulang magsugal bago pa man mag-edad 18.

Pinuna rin ng mambabatas ang mga sikat na personalidad at influencer na nagsusulong ng pagsusugal online, “These celebrity endorsers are exploiting their fame and social influence to normalize and promote gambling as an aspirational lifestyle.”

Nagbabala rin si Rodriguez sa mga epektong dulot ng pagkahumaling sa pagsusugal, “From drivers who have lost their entire salaries, wives being beaten, to suicides—these are not isolated incidents. These are real, heartbreaking stories that underscore the devastating impact of online gambling on our society.”

Bagama’t kinilala ni Rodriguez ang ₱200 bilyong kita mula sa regulated e-gambling noong 2024, at ang ₱30.7 bilyong buwis na nalikom, na hindi aniya maaring ikumpara sa pinsalang dulot nito sa bawat pamilyang Pilipino at sa lipunan.

“What is the cost to our society, to our children, to our families? Can we truly put a price on broken homes, lost lives, and addicted youth?”

Inaasahang magsusumite si Rodriguez ng panukalang batas, para sa total ban ng online gambling na sasaklaw sa pagbabawal sa e-wallets gaya ng GCash, Maya, at ShopeePay na tumanggap ng gambling transactions; Pagpaparusa sa operators, financial intermediaries, at celebrity endorsers;

Gayundin ang pagbibigay ng kapangyarihan sa DICT, NTC, PNP at PAGCOR na i-block ang gambling apps; at pondo para sa public awareness at recovery programs.

“Let us not allow more Filipinos to become the next ‘missing sabungeros.’ To the billionaires profiting from this industry: Shame on you!”

Hinimok din ni Rodriguez ang bawat miyembro ng Kamara na makiisa at gumawa ng hakbang para tuluyan nang ipagbawal ang online gambling.

“We ended POGOs. We ended e-sabong. It is now time to end online gambling once and for all.”

Una na ring naglabas ng pastoral letter ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) laban sa online gambling na itinuturing bilang moral at social emergency.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 89,596 total reads

 89,596 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 123,098 total reads

 123,098 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 158,397 total reads

 158,397 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 384,667 total reads

 384,667 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 273,396 total reads

 273,396 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 13,303 total reads

 13,303 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top