Debosyon sa Birheng Maria, gabay sa malalim na ugnayan kay Hesus

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,331 total views

Pinaalalahanan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga mananampalataya na ang debosyon sa Mahal na Birheng Maria ay hindi nagtatapos sa kanya, kundi nagsisilbing gabay tungo sa mas malalim na ugnayan kay Hesukristo.

Ito ang naging mensahe ng obispo sa ginanap na pagluklok at pagbabasbas ng bagong imahe ng Nuestra Señora de los Desamparados de Marikina noong Agosto 5 sa Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de los Desamparados sa Marikina City.

“Devotion to Mary leads to salvation through Christ. Her desire is to lead us to Jesus—not to draw attention to herself,” ani Bishop Santos.

Binigyang-diin ng obispo na ang mga imahe ay hindi upang sambahin bilang materyal na bagay, kundi upang magsilbing paalala ng mga birtud ni Maria lalo na ng kanyang kababaang-loob na dapat tularan upang mapalapit sa kanyang Anak.

Nanawagan si Bishop Santos na huwag hayaang maging sanhi ng alitan ang debosyon, kundi maging daan ng pagkakaisa, malasakit, at pagkakawanggawa.

“Let Mary’s image not be a cause of dispute but a call for compassion, charity, and unity. A mother rejoices not in the quarrel of her children, but in their unity, peace, and shared kindness,” dagdag pa ng obispo.

Hinimok ni Bishop Santos ang mga deboto na palalimin ang kanilang pananalig sa pamamagitan ng panalangin at gawaing makadiyos, at hayaan ang kanilang paggalang sa Mahal na Ina na humubog sa kung paanong magmahal at maglingkod sa kapwa.

“She leads us always to her Son—and her deepest joy is to see us united in love, anchored in hope, and growing in holiness together,” pagtatapos niya.

Bagong Imahe, Iisang Pananampalataya: Ang Paglalakbay ng Nuestra Señora de los Desamparados
Kasabay ng pagdiriwang, isang mahalagang yugto rin sa kasaysayan ng parokya ang isinakatuparan sa pamamagitan ng pagbabasbas at pormal na pagluklok ng bagong imahe ng patrona ng Marikina.

Pinangunahan ni Antipolo Bishop Emeritus Francisco De Leon ang Banal na Misa at mga ritwal ng pagbabasbas, katuwang si Shrine Rector at Parish Priest Fr. Lamberto Ramos.

Ayon sa kasaysayan, nagsimula ang debosyon sa Nuestra Señora de los Desamparados mahigit 600 taon na ang nakalilipas sa Valencia, Spain. Noong 1717, dumating sa Pilipinas ang unang imahe mula sa Valencia at kasalukuyang nakadambana sa Sta. Ana Church sa Maynila.

Itinalaga ang Marikina sa ilalim ng kanyang patronahe noong Oktubre 23, 1791. Noong 2002, idinambana ang imahe sa parokya at ginawaran ng canonical coronation ni Pope Benedict XVI. Noong 2007, idineklara ang parokya bilang diocesan shrine sa bisa ng utos ni dating Antipolo Bishop Gabriel Reyes.

Bagong Imahe para sa Mas Malaking Misyon Bilang bahagi ng hangarin ng parokya na maitaas bilang isang minor basilica, isa sa mga kinakailangan ay dapat na ang imahe ng patrona ay pag-aari ng parokya.
Ang matandang imahe ng Birheng Maria na dating nasa altar ay pagmamay-ari ng isang pribadong pamilya.

Bagamat nagsagawa ng pakikipagdayalogo para sa turnover ng imahe, hindi ito naisakatuparan.

Dahil dito, sa pamumuno ni Fr. Ramos, isang bagong imahe ang ipinagawa na ginaya mula sa orihinal na anyo ng Nuestra Señora de los Desamparados sa basilica sa Valencia, Spain.

Nagsagawa rin ang parokya ng twinning partnership sa pagitan ng Diocesan Shrine sa Marikina at ng Basilica sa Valencia.

Nakamit din nito ang Spiritual Bond of Affinity sa Basilica of Saint Mary Major sa Roma, bilang bahagi ng pagpapalalim ng espiritwal na ugnayan sa pandaigdigang simbahan.

Samantala, ang lumang replica image ng patrona ay idinamban sa Holy Cross Chapel ng parokya, na maaaring dalawin ng mga perigrino bilang bahagi ng kanilang debosyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 216,518 total views

 216,518 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 246,742 total views

 246,742 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 273,386 total views

 273,386 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 368,359 total views

 368,359 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 375,357 total views

 375,357 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top