Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

P1.8M karagdagang cash assistance, ipapadala ng Caritas Manila sa 6-Bicol dioceses

SHARE THE TRUTH

 7,505 total views

Magpapadala ng karagdagang P1.8 milyon cash assistance ang Caritas Manila para sa Bicol dioceses na labis na nasalanta ng Bagyong Kristine.

Makakatanggap ng tig-P300,000 karagdagang tulong ang anim na diyosesis sa Bicol Region kabilang ang Archdiocese of Caceres at Diocese of Libmanan sa Camarines Sur; Diocese of Virac, Catanduanes; Diocese of Daet, Camarines Norte; Diocese of Legazpi, Albay; at Diocese of Sorsogon.

Dahil dito, aabot na sa P3-milyon ang kabuuang halaga ng tulong mula sa social arm ng Archdiocese of Manila.

Sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo noong nakaraang lingo, nagpadala ang Caritas Manila ng P1.2 milyong paunang tulong para sa Bicol, kung saan nakatanggap ng tig-P200,000 ang anim na diyosesis.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang social action center directors mula sa mga natulungang diyosesis sa cash assistance ng Caritas Manila.

Ayon kay Legazpi SAC director, Fr. Eric Martillano, naghahanda na ang diyosesis para sa rehabilitation and recovery efforts bagamat may mga hindi pa napapadalhan ng tulong sa Albay, partikular sa bayan ng Jovellar at Pantao sa Libon, dahil hindi pa madaanan ang mga kalsada.

“Napakalayo ng lugar and very poor. Based sa assessment namin, ito na lang ang may strong need for relief. For the rest of the affected population, gusto na namin mag-transition sa rehab and recovery initiatives. Thank you so much po sa tulong,” ayon kay Fr. Martillano sa panayam ng Radio Veritas.

Nagpapatuloy rin ang relief operations ng Caritas Virac, sa pangunguna ni Fr. Renato dela Rosa, kung saan kabilang sa mga natulungan ang isang baryo sa Caramoran, Catanduanes na sinalanta ng buhawi sa kasagsagan ng Bagyong Kristine.

“Salamat pong muli sa Caritas Manila at Radio Veritas Manila! Dahil sa tulong ninyo, nakapag-relief operations na kami. Tamang-tama, may mga naka-preposition kaming mga balde at tabo galing din sa inyo, at naisama namin sa pamamahagi para sa mga nasalanta ng buhawi sa baryo sa Caramoran,” ayon kay Fr. dela Rosa.

Patuloy rin ang pagtugon nina Caritas Caceres director, Fr. Marc Real, sa mga apektadong lugar sa Camarines Sur, at Caritas Sorsogon director, Fr. Ruel Lasay, kasama si Bishop Jose Alan Dialogo sa pamamahagi ng tulong sa bayan ng Donsol na labis ding naapektuhan ng bagyo.

Batay sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mahigit dalawang milyong indibidwal o higit 500-libong pamilya ang naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Kristine sa Bicol Region.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 33,980 total views

 33,980 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

NAGUGUTOM NA PINOY

 56,812 total views

 56,812 total views Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger? Ang involuntary

Read More »

Trahedya sa Bais Bay

 81,212 total views

 81,212 total views Mga Kapanalig, noong ika-26 ng Oktubre, nagkaroon ng wastewater spill sa Bais Bay sa Negros Occidental.  Ang wastewater spill ay nanggaling sa pasilidad

Read More »

Pagsusulong ng just energy transition

 100,114 total views

 100,114 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ngayong araw ang ika-30 na Conference of the Parties o COP30 ng United Nations Framework Convention on Climate Change

Read More »

Silipin din ang DENR

 119,857 total views

 119,857 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top