Suriin ang pamumuhay sa paggunita ng UNDAS

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,262 total reads

Pagnilayan ang nakagawiang pamumuhay at gawing kaaya-aya sa Diyos at kapwa.

Ito ang mensahe ni San Fernando, La Union Bishop Daniel Presto sa bawat mananampalataya bilang paggunita sa Araw ng mga Banal at Araw ng mga Yumaong Mahal sa Buhay.

Ayon kay Bishop Presto, ang paggunita sa mga araw na ito’y nagsisilbing paalala sa bawat isa upang suriin ang pamumuhay bilang mga manlalakbay sa mundo.

Sinabi ng obispo na makabubuting ayusin ito upang maging kaaya-aya sa mata ng Diyos at kapwa, at makamit ang kaligtasan at buhay na walang hanggan, katulad ng mga halimbawa ng mga banal.

“Inaalala natin ang mga banal, at sa ating pag-alala sa kanila, hilingin natin ang kanilang panalangin para sa mga naglalakbay pa rito sa lupa. Na kahit papaano’y makapaglakbay tayo na nakatuon ang paningin natin sa langit, na siyang ating hantungan. Tayo din nawa’y makapulot ng halimbawa mula sa naging buhay ng mga banal upang maging inspirasyon nating mamuhay ayon sa kabanalan,” ayon kay Bishop Presto sa panayam ng Radio Veritas.

Hinikayat din ni Bishop Presto ang mga mananampalataya na ipanalangin ang mga yumaong mahal sa buhay, hindi lamang tuwing Undas, kundi sa bawat pagkakataong sila’y maaalala, lalo na sa araw ng kanilang kamatayan.

Paliwanag ng obispo na sa tuwing magtitirik ng kandila sa puntod ng mga yumao, ang bawat panalangin ay hiling sa Diyos para sa kapatawaran ng mga kasalanan ng mga pumanaw.

“Sa ating pag-alala sa mga yumaong mahal sa buhay at sa pagdalaw sa kanilang libingan, atin silang ipagdadasal. Sa pagtitirik ng kandila sa kanilang puntod, hilingin natin sa Poong Maykapal ang paggawad ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan. Hindi lamang sa araw ng mga patay natin sila alalahanin ngunit sa tuwing atin silang maaalala at sa araw ng kanilang kamatayan,” ayon kay Bishop Presto.

Sa katuruan ng simbahan, ang pag-aalay ng panalangin para sa mga yumaong mahal sa buhay ay hindi lamang nakatutulong para sa kapayapaan ng kanilang kaluluwa kundi nagbibigay rin ng aliw sa mga naiwang pamilya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 146,248 total reads

 146,248 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 219,465 total reads

 219,465 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 252,913 total reads

 252,913 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 288,211 total reads

 288,211 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 509,074 total reads

 509,074 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 159,829 total reads

 159,829 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top