P1M cash aid, ipinaabot ng Caritas Manila at Quiapo church sa mga biktima ng bagyong Ambo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 516 total views

May 20, 2020-11:10am

Umaabot sa P1-milyon tulong na ibinahagi ng Caritas Manila at Quiapo church para sa mga biktima ng bagyong Ambo sa Eastern Samar.

Ayon kay Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila bukod sa pangangailangan ng marami ng tulong dulot ng pandemic novel coronavirus ay hindi dapat isantabi ang pangangailagan ng mga naapektuhan ng bagyo.

Nakita natin ang panawagan na lubog na lubog sa baha ang Eastern Samar. Sabi nga Yolanda Jr., ‘yung bagyong Ambo. Humingi sila ng bigas at trapal para sa 10-parokya kaya’t mga isang milyon at naghati ang Caritas Manila at Quiapo church na tig-500 thousand o isang milyong ayuda ang Eastern Samar,” ayon kay Fr. Pascual.

Una na ring itinuring ng mamamayan ng Eastern Samar ang bagyong Ambo bilang Yolanda Jr. dahil na rin sa iniwan nitong pinsala lalu na sa may pitong bayan ng lalawigan.

Taong 2013, kabilang din ang Eastern Samar sa mga lalawigan sa Visayas ang higit na nasalanta ng bagyong Yolanda kung saan higit sa 200 katao ang nasawi.

Sa ulat, bukod sa mga nasirang gusali, mga bahay at may 10-simbahan ang nasira dahil sa malakas na bagyo.

“Usually kapag ganiyan hindi na tayo nagpapadala ng in-kind ang ipinapadala natin ay cash para matulungan din ang ekonomiya ng lugar na naapektuhan ng kalamidad,” ayon pa sa pari.

Bukod sa mga pagkain, tubig at gamot, kinakailangan din ng mga nasirang simbahan ang malalaking trapal dahil sa natuklap ang mga bubong ng mga parokya nang malakas na bugso ng hangin ng bagyong Ambo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 49,760 total views

 49,760 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 45,629 total views

 45,629 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 81,831 total views

 81,831 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 90,473 total views

 90,473 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 115,593 total views

 115,593 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top