Diocese ng Balanga, naghandog ng kasiyahan para sa mga batang may cancer

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 731 total reads

May 20, 2020-11:35am

Nais ng Diyosesis ng Balanga, Bataan na pasayahin ang mga kabataang may karamdaman upang maibsan ang kalungkutan at paghihirap na naranasan dulot ng tinataglay na sakit maging ang pangamba laban sa novel coronavirus.

Ayon kay Bishop Ruperto Santos mahalagang bigyan ng atensyon ang mga kabataan lalo na sa gitna ng krisis bunsod ng nakakahawang virus.

“In spite of their sufferings we have to bring not only hope and healing but also happiness to those children. Even with their fragile bodies we want to bring back smiles on their lips,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Nakipag-ugnayan si Bishop Santos sa kilalang ‘fastfood chain’ para mamahagi ng mga laruan at pagkain sa mga batang may cancer na kinakanlong ng diyosesis sa Residencia Sacerdotal-ang retirement home ng pari ng Balang. .

Binuksan ng diyosesis ang retirement home para sa mga batang may cancer nang italaga ang Bataan General Hospital para sa COVID-19 patients.

Nais ni Bishop Santos na maramdaman ng mga magulang ng 16 na kabataan na kaisa ang simbahan at pamahalaang panlalawigan ng Bataan sa kanilang kinakaharap sa gitna ng pandemya.

“It is our desire with this COVID-19 to make the parents feel that the Church in partnership with Provincial Government care and love them; we are their big brothers and sisters; Ours’ is ther home,” dagdag pa ni Bishop Santos.

Sa kabila ng mga saradong parokya, patuloy na kumikilos ang simbahang katolika sa Bataan sa pamumuno ni Bishop Santos upang abutin ang mga mamamayang nangangailangan sa gitna ng krisis at ihatid sa bawat tahanan ang presensya at dakilang pag-ibig ng Diyos sa paglingap sa kapwa.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 24,205 total reads

 24,205 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 44,750 total reads

 44,750 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 120,860 total reads

 120,860 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 206,230 total reads

 206,230 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 252,966 total reads

 252,966 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 300,837 total reads

 300,837 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 398,677 total reads

 398,677 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top