Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kapistahan ng Tatlong Patron ng Obando, ipinagdiwang online

SHARE THE TRUTH

 606 total views

May 20,2020-1:09pm

Bawat deboto ay kasama sa diwa at panalangin sa pagdiriwang ng kapistahan ng Obando.

Ito ang mensahe ni Fr. Virgilio Ramos, ang kura paroko ng San Pascual Baylon Parish o mas kilala rin bilang Obando Church kaugnay sa pagdiriwang ng tatlong araw na kapistahan sa bayan ng Obando.

Alinsunod sa ipinatutupad ng pamahalaan na community quarantine at physical distancing bilang pag-iingat sa sakit na coronavirus disease, hindi nagkaroon ng sayawan sa kalsada ng Obando at limitado rin ang dumalo sa mga Misa para sa tatlong araw na kapistahan ng parokya.

“Marahil nalulungkot kayo dahil hindi kayo nakadayo sa bayan ng Obando upang papurihan ang ating tatlong patron. Huwag kayong malungkot kayong nasa tahahan, nasa iba’t ibang bahagi ng bansa at maging nasa labas ng bansa, magalak kayo at magpuri sa tatlong patron sapagakt hindi ninyo makakalimutan ang mga nagdaang panahon na kayo ay pumarito sa Obando at dininig ng Panginoon ang inyong panalangin,” bahagi ng mensahe ni Fr. Ramos

Ang Obando Church na siya ring Pandiyosesis na Dambana ng Nuesta Señora de la Inmaculada Concepcion de Salambao na nasasakop ng Diyosesis ng Malolos ay may tatlong patron na nagdiriwang ng kapistahan tuwang ika-17 hanggang ika-19 ng Mayo –si San Pascual Baylon patron ng mga humihiling ng anak na lalaki, asawa at bokasyon sa buhay relihiyoso ay ipinagdiriwang tuwing ika-17 ng Mayo, Santa Clara ng Asisi patron ng mga humihingi ng anak na babae, para sa maayos na panganganak, at patron ng mass media ay ipinagdiriwang ang kapistahan tuwing ika-18 ng Mayo, at ang Mahal na Birhen ng Salambao patron ng himihiling ng matagumpay na hanapbuhay naman ay tuwing ika-19 ng Mayo.

Ang mga misa mayor sa tatlong araw na pagdiriwang ay pinangunahan nina Malolos Bishop Dennis C. Villarojo, Kalookan Bishop-emeritus Deogracias Iñiguez at Novaliches Bishop-emeritus  Teodoro Bacani Jr.

Patuloy ang panalangin ng mga pari at mga obispo na dumalo sa tatlong araw na pagdiriwang ang positibong pagtugon ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa patuloy na aplikasyon ng parokya upang maitalaga ito bilang Pambansang Dambana ng Mahal na Birhen ng Salambao.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 28,889 total views

 28,889 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 44,977 total views

 44,977 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 82,607 total views

 82,607 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 93,558 total views

 93,558 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 63,728 total views

 63,728 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 89,543 total views

 89,543 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 130,240 total views

 130,240 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top