Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 592 total views

Kapanalig, mainit ang usaping pabahay sa ating bansa ngayon. Naging mapanghati o divisive pa nga ang isyu na ito matapos okupahin ng KADAMAY ang isang relocation site sa Bulacan.

Ano nga ba ang estado ng housing o pabahay sa ating bansa?

Alam natin kapanalig na mahal ang pabahay sa ating bansa, lalo na kung ito ay nasa mga Urban areas. Ayon sa Subdivision and Housing Developers’ Association (SHDA), nasa 5.5 million ang housing backlog sa bansa, at tataas pa ito dahil sa pagtaas na rin ng populasyon.

Ayon naman sa survey ng National Housing Authority noong 2011, mga 1.5 million ang mga informal settlers sa bansa, at mahigit pa sa kalahati nito ay nakatira sa mga mga mapanganib na lugar. Ayon nga kay Bise Presidente noong sya pa ang housing chair, kailangan nating magtayo ng mga 2,602 na tahanan kada araw sa loob ng anim na tao upang mapunan ang backlog.

Paano ba natin matutulungan magkabahay ang maralitang Pilipino?

Kapanalig, ang Community Mortgage Program (CMP) ay isa pang paraan upang magkabahay ang mga informal settlers. Ang programang ito ay isang financing scheme kung saan ang mga residente ay ino-organisa upang sila ay makahanap ng pondo upang makabili ng lupa at bahay. Kaya nga lamang, ayon sa isang pag-aaral na ginawa ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS), may mga kahinaan ang CMP na nagiging hadlang para magkabahay ang maralitang Pilipino.

Unang-una, ang pondo ng CMP ay accessible lamang sa mga community associations.  Sa mga Urban areas, kadalasang hindi kaya ng pondo ang presyo ng lupa. Kailangan ngayon maghanap pa ng mga miyembro ng karagdagang halaga upang sagutin ang housing equity. Kung walang maibibigay ang kasapi nila, baka hindi na ito makasali. Kung makautang man, dagdag na problema pa ito sa kanila.

Hindi rin lahat ng community associations ay kaya magproduce o maglabas ng malaking pondo, kaya’t nabibinbin din ang kanilang pabahay. Mahirap ito para sa marami. Kung malampasan nila ang unang balakid na ito, haharapin naman nila ang matagal na proseso ng approval, kasama na ang proseso ng paghahanap ng relocation site at pag-pagawa ng matitirhan.

Kapanalig, ang pagkakaroon ng bahay ay isang mailap na pangarap. Napakasakit na ito ay nanatiling pangarap na lamang kahit pa ito ay isa  sa mga batayang pangangailangan at karapatan ng tao. Tila maraming pwersa ang nagsasanib upang hindi matuloy o maging realidad ang pangarap na ito ng maraming Pilipino. At ang pinakamalaking pwersa dito ay pera: pambili ng lupa at bahay, na sa pag-gulong ng oras, ay lalo pang nagmamahal.

Ayon mismo kay St. Pope John Paul II, ang Simbahan ay nakiki-isa sa sa maralita at may obligasyon na tumulong sa paghahanap ng mga kongkretong solusyon sa problema ng pabahay at upang masiguro na ang estado ay nagbibigay ng sapat na atensyon sa mga walang matirhan.

Dasal natin kapanalig, na tayong lahat ay magising na. Kung tayo ay tunay na Kristyanong katoliko, ang mga suliranin ng maralita ay dapat nating iprayoridad din. Makita sana natin na lahat tayo ay nakataya at may obligasyon sa usaping pabahay ng bansa. Ito ay nagiging isang malaking trahedya na. Kailangan na natin itong agarang harapin.

Pope Paul II, Letter to Pontifical Commission Justitia et Pax , December 8,1987.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 52,457 total views

 52,457 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

NAGUGUTOM NA PINOY

 75,289 total views

 75,289 total views Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger? Ang involuntary

Read More »

Trahedya sa Bais Bay

 99,689 total views

 99,689 total views Mga Kapanalig, noong ika-26 ng Oktubre, nagkaroon ng wastewater spill sa Bais Bay sa Negros Occidental.  Ang wastewater spill ay nanggaling sa pasilidad

Read More »

Pagsusulong ng just energy transition

 118,506 total views

 118,506 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ngayong araw ang ika-30 na Conference of the Parties o COP30 ng United Nations Framework Convention on Climate Change

Read More »

Silipin din ang DENR

 138,249 total views

 138,249 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 52,458 total views

 52,458 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

NAGUGUTOM NA PINOY

 75,290 total views

 75,290 total views Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger? Ang involuntary

Read More »

Trahedya sa Bais Bay

 99,690 total views

 99,690 total views Mga Kapanalig, noong ika-26 ng Oktubre, nagkaroon ng wastewater spill sa Bais Bay sa Negros Occidental.  Ang wastewater spill ay nanggaling sa pasilidad

Read More »

Pagsusulong ng just energy transition

 118,507 total views

 118,507 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ngayong araw ang ika-30 na Conference of the Parties o COP30 ng United Nations Framework Convention on Climate Change

Read More »

Silipin din ang DENR

 138,250 total views

 138,250 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Prayer Power

 136,715 total views

 136,715 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 153,546 total views

 153,546 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 163,403 total views

 163,403 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 191,218 total views

 191,218 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 196,234 total views

 196,234 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »
Scroll to Top