Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Cardinal Tagle, nagpahayag ng kalungkutan at panalangin para sa mga taga-Marawi.

SHARE THE TRUTH

 291 total views

Nagpahayag ng pakikiisa ang kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle,pangulo ng Caritas Internationalis sa kalungkutang nararanasan ng mga taga-Marawi.

Ayon kay Cardinal Tagle,walang katumbas na salita ang kayang ipahayag sa nararanasang pagkalito, pagkabigla at kalungkutan ng mga taong biktima ng karahasan o Marawi siege.

“Nakikiisa kami sa inyo, kaming nasa arkidiyosesis ng Manila, hindi namin alam kung ano ang sasabihin sa inyo. Walang salita ang makapagpapaabot rig aming pagkabigla, pagkalito at kalungkutan sa nangyari nitong nakaraang araw.”mensahe ni Cardinal Tagle

Gayunpaman, umaasa ang Kardinal na maramdaman ng mga taga-Marawi ang pagtangis ng buong sambayanang Filipino dahil sa idinidulot sa kanila ng kaguluhan.

Dagdag pa ng Kardinal, sana ay maramdaman ng mga taga-Marawi ang ating pagtangis para sa kanilang nararanasan at para sa lahat ng tao sa mundo na nasisira ang buhay dahil sa karahasan.

“Tinatanong naming “Bakit nagagawang saktan ng tao ang kanyang kapwa?” Tumatangis kami para sa inyo. para sa lahat ng Pilipino. at lahat ng tao sa mundo na nasisisra ang buhay dahil sa karahasan .”pahayag ni Cardinal Tagle

Kasabay nito ang panalangin ni Cardinal Tagle na mapatawad ng Diyos ang mga nangyayaring paglapastangan sa buhay at dangal ng tao.

Hiniling din ng Kardinal sa kanyang panalangin na sana ay matutunan na ng tao na tunay na magpakatao at ang makipagkapwa-tao.

At higit sa lahat panalangin ng Kardinal na maturuan ang tao na tunay na tahakin ang kapayapaan at hindi karahasan.

Ipinagdarasal din ni Cardinal Tagle na mahilom ang sugat sa pamilya ng mga naging biktima ng karahasan sa Marawi at manatili pa rin ang pag-ibig at kapayapaan sa kanilang mga puso.

“Kasama ninyo nanalangin kami ‘0 Dios. Patawarin mo po ang aming paglapastangan sa buhay at dangal ng tao. Turuan mo po kaming magpakatao at makipagkapwa-tao. Palakasin mo po ang hangaring tahakin ang kapaypaan. Hilumin mo po ang sugat ng mga kapatid namin sa Marawi at ng mga pamilya ng naging biktima ng karahasan . O diyos ng kapayapaan at pag- ibig liwanagan at subaybayan mo kami .”panalangin ng Kardinal

Ika-23 ng Mayo ng lusubin ng Maute group ang barangay Malutlut, Marawi city kung saan 12-church workers kasama si Father Chito Suganob ang binihag ng grupo.

Dahil sa pag-atake, inilagay na sa martial law ang buong Mindanao.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 16,174 total views

 16,174 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 30,134 total views

 30,134 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 47,286 total views

 47,286 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 97,498 total views

 97,498 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 113,418 total views

 113,418 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 68,091 total views

 68,091 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 93,906 total views

 93,906 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 133,474 total views

 133,474 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top