Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Padayon online concert, inilunsad

SHARE THE TRUTH

 716 total views

Ang bukal na pagtulong at pagbabahagi ng biyaya ay paraan upang iparamdam sa kapwa ang pagmamahal ng Diyos.

Ito ang pagbabahagi ni Rev. Fr. Anton CT. Pascual, Caritas Manila Executive Director at Veritas 846 President, sa isinagawang online press conference upang ilunsad ang online concert na inisyatibo ng social arm ng Archdiocese of Manila at Viva Live Incorporated na may titulong “Padayon: Pag-ibig, Damayan sa Pag-ahon!”.

“Sabi nga sa Luke chapter 6, give and you shall receive the more you give up yourself, always remember that, the more God will bless you the more because they see in each one of us the presence of our loving saviour so giving is the key to be more blessed,” ayon sa panayam ng Radio Veritas sa Pari.

Umaasa naman si Jocel Adorable, Viva Vice President, na matutunan ng mga kabataan sa gaganaping online concert na sila ang pag-asa ng kinabukasan na sa simpleng pagbabahagi ng kanilang talento ay maaring makatulnog upang mapabuti ang kalagayan ng bansa.

“So sabi nga natin gifted to give so that’s the answer, young ones to learn how to share their blessings, they are blessed with their talents, Kayo ang pagasa ng bayan! So dapat patuloy ninyong i-promote ang inyong talent para sa ikagaganda ng ating bansa, ng ating Simbahan,” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Adorable.

Pagbabahagi naman ng mga personalidad na magtatanghal sa online concert ang kagalakan na makatulong sa kapwa higit na para sa mga nasalanta ng bagyong Odette.

“Being part of this concert, I think the Lord has given me – to be able to share to people that there’s still hope na magpadayon,” ayon kay Andrea Badinas.

“I’m very happy to be a part of this concert unang una dahil po it’s a big help lalo na po doon sa mga naapektuhan ng bagyo so gagamitin po yung talents namin in order for us na makalikom din po ng pondo para mabuo po ulit yung mga nasira ng bagyo so maraming salamat po for having us,” ayon pa kay Caleb Santos.

Layunin ng ng Padayon Concert ang makalikom ng 25-milyong pisong halaga upang ilaan sa pagpapatayo ay pagsasaayos ng mga simbahang sinira ng pananalasa ng Bagyong Odette sa may sampung mga arkidiyosesis, diyosesis at bikaryato.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tunay na boses ng kabataan

 589 total views

 589 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 11,132 total views

 11,132 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

Dadanak ang dugo?

 19,572 total views

 19,572 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 5:5-7, kinasusuklaman ng Diyos ang mga mamamatay-tao, manlilinlang, at sinungaling. Ang ating Panginoon ay Diyos ng katotohanan

Read More »

ICC TRIAL

 35,700 total views

 35,700 total views Kapanalig, matapos ang 2025 midterm elections kung saan multi-bilyong piso ang nagastos at marami ang kumapal ang bulsa pansamantala., maraming relasyon ang nasira,

Read More »

REAWAKENING

 43,792 total views

 43,792 total views Kapanalig, nagising na nga ba ang mga botanteng Pilipino? Akalain mo, nagulat ang mga “political observer” sa naging resulta ng 2025 midterm election,

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top