DILG, pinuri ng Oceana Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 922 total views

Pinuri ng Oceana Philippines ang hakbang ng Department of the Interior and Local Government (DILG) hinggil sa pagpapatupad ng mga panuntunan at batas hinggil sa wastong pangangalaga sa kalikasan.

Sa inilabas na DILG Memorandum Circular No. 2022-018, nakasaad dito ang muling pagpapaalala sa mga lokal na pamahalaan na ipatupad sa mga kinasasakupan ang mga batas at alituntuning sakop ng Philippine Environmental Impact Statement System (PEISS) Act.

Kabilang na rito ang mga proyektong mapanganib sa kapaligiran tulad ng mga pagtatambak sa mga karagatan at iba pang bahagi ng katubigan, tulad ng bakawan, bahura at pangisdaan.

Ayon kay Oceana Philippines Vice President Atty. Gloria Estenzo Ramos, maituturing na tagumpay ang pagpapatupad ng nasabing kautusan dahil mapapangalagaan nito ang kapakanan at karapatan ng mga mangingisdang naninirahan sa mga baybaying komunidad, gayundin ang kaligtasan ng mga karagatan laban sa mga mapaminsalang proyekto.

“Tinugunan din nito ang pananagutan ng mga pambansang ahensya at lokal na pamahalaan na tiyaking buo at masinsin ang pagpaplano at isinangguni sa mga mamamayan bago pahintulutan ang mga nasabing proyekto,” pahayag ni Estenzo Ramos.

Iginigiit din sa memorandum ng DILG na ang anumang paglabag ng lokal na pamahalaan ay papatawan ng kaukulang parusa tulad ng administratibo, sibil at kriminal sa ilalim ng mga umiiral na batas.

Inihayag ng Kanyang Kabanalan Francisco sa kanyang Laudato Si’ na mahalaga ang pagiging mapagmatyag ng komunidad upang matiyak na wasto at may moral na pamantayan ang pamahalaan sa pagpapatupad ng mga batas hinggil sa pangangalaga sa kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 195,020 total views

 195,020 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 225,243 total views

 225,243 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 251,888 total views

 251,888 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 346,861 total views

 346,861 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 355,261 total views

 355,261 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top