VeritasPH

The Word, The Truth

Pag-aaral, hindi pagpapakasal, ang kailangan ng mga bata

SHARE THE TRUTH

 715 total views

Mga Kapanalig, nag-lapse into law noong unang linggo ng kasalukuyang taon ang panukalang batas na ipinagbabawal ang child marriage o pagpapakasal ng mga menor de edad. Napakagandang balita ito para sa mga batang babae at lalaki dahil dagdag proteksyon ito para sa kanila. Isa rin itong hakbang na nagpapakita ng pagtupad ng pamahalaan sa pangako nitong itaguyod ang mga karapatang nakalahad sa United Nations Convention on the Rights of the Child.

Ayon sa Philippine Commission on Women (o PCW), ang Pilipinas ay panlabindalawa sa mga bansang may pinakamaraming bilang ng child marriages. Sa pagsasabatas ng End Child Marriage Bill o Republic Act No. 11596, hindi lamang ang pagpapakasal ang ipinagbabawal ng batas. Ipinagbabawal rin nito ang cohabitation o pakikipag-live-in sa mga menor de edad. Bagamat 18 taon ang edad na hinihingi ng batas upang makapag-asawa ang isang Pilipino, nagaganap pa rin ang child marriage sa mga komunidad ng mga kapatid nating Muslim at mga katutubo. Dati kasing pinapayagan ng Code of Muslim Personal Laws ang pagpapakasal ng mga bata kapag tumuntong na sila ng puberty o sa magkaroon ng unang menstruation ang babae. Ngunit sa pagsasabatas ng RA No. 11596, maiiwasan na ang maagang pag-aasawa ng mga bata at maparurusahan ang magbabasbas nito.

Maliban sa labag sa karapatang pambata ang child marriage, nagdudulot din ito ng hindi magandang epekto sa kanilang kinabukasan. Ang mga batang nagpapakasal bago tumuntong ng 18 taóng gulang ay mas madalas na hindi nakapagtatapos sa pag-aaral at nakararanas ng pang-aabuso sa loob ng kanilang tahanan. Nagdudulot din ito ng maagang komplikasyon sa kalusugan nila dala ng maagang pagbubuntis. Hindi pa kasi handa ang kanilang murang pangangatawan na magdalantao. Kung hindi nakapagtapos ang mga magulang, maaari din itong magdulot ng paghihirap na maaaring manahin pa ng kanilang mga anak. Ito ang tinatawag na intergenerational transfer of poverty.

Bagamat mayroon nang End Child Marriage Act, may mga hamon pa rin sa pagtuldok sa child marriage sa ating bansa. Hiniling ng Bangsamoro Transition Authority, ang tumatayong pangsamantalang gobyerno ng Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (o BARMM), na ipagpaliban ang pagpapatupad ng bagong pasáng batas. Ayon sa kanila, bahagi ng kultura ng mga Muslim ang maagang pa-aasawa at mahirap itong baguhin. Ngunit nauna nang sinabi ng Bangsamoro Women Commission na hindi dahil pinahihintulutan ito ng relihiyong Islam at bahagi na ng kultura ng mga kapatid nating Muslim ay magiging tama ang child marriage.[3] Ang Girls Defenders Alliance, isa sa mga grupo ng mga batang Bangsamoro na nagsulong ng batas na ito, ay tutol din sa child marriage.

Para sa ating mga Katoliko, ang pagpapakasal ay isang sakramentong tinatanggap ng mga nasa tamang pag-iisip at disposyon. Sabi nga ni Pope Francis sa kaniyang encyclical na Amoris Laetitia, kung ang mga magulang ang pundasyon ng isang tahanan, ang mga bata ay itinuturing ng ating Simbahan na mga buháy na batong bumubuo sa isang pamilya. Paano ito mangyayari kung sila ay magkakaroon na ng kanilang sariling pamilya sa murang edad? Kung hindi sila bibigyan ng pagkakataong makapag-aral at mapabuti ang kanilang sarili bago sila bumuo ng kanilang pamilya, paano na ang kanilang kinabukasan?

Mga Kapanalig, wika nga sa Mga Awit 127:3, kaloob ng Diyos ang mga bata. Kailangan natin silang kalingain, alagaan, at proteksyunan. Kailangang sa lahat ng pagkakataon ay nakatutok tayo sa pinakamabuti para sa kanila. Bagamat iginagalang natin ang kultura at mga nakasanayan ng ating mga kababayang iba ang pananampalataya, mas mangingibabaw sa atin ang pagbibigay ng proteksyon sa dignidad ng mga bata. Ito ang ating responsibilidad bilang mga nakakatanda at bilang Kristiyano.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mga payaso sa sirko

 6,568 total views

 6,568 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 22,554 total views

 22,554 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 30,599 total views

 30,599 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 35,679 total views

 35,679 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 41,385 total views

 41,385 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 6,569 total views

 6,569 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 22,555 total views

 22,555 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 30,600 total views

 30,600 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 35,680 total views

 35,680 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 41,386 total views

 41,386 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 44,531 total views

 44,531 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 41,456 total views

 41,456 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 55,770 total views

 55,770 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 59,460 total views

 59,460 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 58,063 total views

 58,063 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 68,050 total views

 68,050 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 72,018 total views

 72,018 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 82,905 total views

 82,905 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 95,344 total views

 95,344 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 106,102 total views

 106,102 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top