289 total views
Binigyang-diin ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mensahe ng pag-asa ng Pasko ng Muling Pagkabuhay, lalo na para sa mga Pilipinong seafarers at kanilang mga pamilya na patuloy na humaharap sa panganib at hirap ng buhay.
Ayon sa obispo, hatid ni Hesus sa sanlibutan ang liwanag na magiging gabay sa paglalakbay ng mga mamamayan.
“The empty tomb is God’s promise that suffering does not have the final word. No matter how heavy the burden, no matter how far the distance, new life will always rise,” ayon kay Bishop Santos.
Kinilala ng obispo ang pangamba ng mga marino na naglalayag sa gitna ng umiigting na tensyon lalo sa Middle East.
“Many of you sail through these regions, carrying not only goods but also the silent burden of worry for your safety,” ani ng obispo.
Dagdag pa ni Bishop Santos hindi rin ligtas sa pagsubok ang mga pamilyang naiwan sa bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng gastusin kasunod ng mga tensyong nangyayari sa Middle East na nakakaapekto sa larangan ng ekonomiya.
“The rising cost of living places heavy pressure on your families back home, who endure daily struggles with courage and faith,” pahayag ni Bishop Santos.
Sa kabila nito, tiniyak ng obispo na hindi pinababayaan ng Diyos ang Kanyang bayan.
Hinimok din ni Bishop Santos ang lahat na manatiling matatag sa pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig sa gitna ng mga pagsubok, kasabay ng panalangin para sa kapayapaan sa buong mundo.






