Pag-uusap, hindi pananakot

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 72,676 total reads

Mga Kapanalig, sa pagitan ng mga taóng 2021 at 2022, tumaas ng 35% ang bilang ng mga babaeng edad 15 pababa na nabuntis. Base ito sa datos na nakalap ng NGO na Save the Children. Ang mga taóng ito ang kasagsagan ng pandemya. 

Lubhang nakababahala ito. 

Hindi handa ang katawan ng isang batang babae para magdalantao. Mataas din ang tsansang magkaroon ng sakit ang batang buntis at ang dinadala niya sa kanyang sinapupunan. Nililimitahan din ng maagang pagbubuntis ang oportunidad ng mga batang babaeng makapagtapos sa pag-aaral o magkaroon ng nakabubuhay na trabaho. May mga pag-aaral ding nagpapakitang ang mga buntis na edad 15 pababa ay dalawang beses na mas mataas ang tsansang mamatay dahil sa komplikasyon kumpara sa mga nagbubuntis sa tamang edad o mga nasa pagitan ng 20 at 30 taong gulang. 

Ang mga epektong ito sa pag-aaral, kalusugan, at mismong buhay ng mga batang babae ang nais tugunan ng Comprehensive Sexuality Education sa ating mga pampublikong paaralan. Taóng 2018 pa nang ilabas ang Department of Education ng Department Order No. 31. Sa order na ito, inilatag ng kagawaran ang mga guidelines sa pagbibigay sa mga mag-aaral ng tama at akmang impormasyon at kaalaman tungkol sa sexuality at reproductive health. Hindi lamang early pregnancy o maagang pagbubuntis ang nais tugunan ng gobyerno; naniniwala itong mahalaga ang pagtalakay sa sekwalidad para hindi masangkot ang kabataan sa sexual violence at para hindi na lumaganap ang sexually transmitted diseases

Pero nitong mga nakalipas na linggo, kumalat sa social media ang mga posts at videos na inaalarma ang publiko tungkol sa Comprehensive Sexuality Education. Iniugnay pa ng mga ito ang programang ilang taon nang ipinatutupad ng DepEd sa panukalang batas na pinamagatang Prevention of Adolescent Pregnancy Act. Pinangangambahan ng mga grupong pumupuna sa programa at panukalang batas na baka turuan maging ang mga nasa kindergarten ng mga bagay na maituturing na malaswa. Baka raw itanim sa isipan ng mga musmos ang mga ideya, konsepto, at values tungkol sa sekwalidad na masyadong liberal, gaya sa ibang bansa. Ang pagbibigay-diin sa mga tinatawag na sexual rights ay baka isiping paghikayat sa mga kabataang makipagrelasyon at makipagtalik sa murang edad.

Ito ang nag-udyok kay Senador Sherwin Gatchalian na magpatawag ng isang pagdinig tungkol sa Comprehensive Sexual Education. Mainam na pagkakataon ito para lubusang maunawaan ng publiko, lalo na ng mga magulang, ang programa. Paraan ito upang maliwanagan kung may basehan ba talaga ang mga pangamba tungkol dito. Magbunga dapat ito ng mas malinaw na patakaran at mga katanggap-tanggap na pamantayan para gabayan ang ating kabataan tungkol sa pagiging responsable para sa kalusugan at kaligtasan ng kanilang katawan. 

Samantalang ginagawa ang mga pagdinig na ito, maging mapanuri din sana tayong mga gumagamit ng social media sa mga kumakalat na impormasyon tungkol sa ginagawang tugon ng gobyerno sa maagang pagbubuntis, karahasang sekwal, at karamdaman. Hindi lahat ng nababasa at naririnig natin ay totoo o tama. Punô ng kumplikado at malalalim na salita ang ating mga batas at programa, kaya mahalaga ring naipaliliwanag—lalo na ng gobyerno—ang mga ito sa publiko sa paraang madali nilang maiintidihan. Hindi rin makatutulong ang pananakot at panlilito para magpahayag ng puna o opinyon sa mga ginagawa ng ating gobyerno. 

Mga Kapanalig, gaya ng sinasabi sa Catholic social teaching na Amoris Laetitia, biyaya mula sa Diyos ang sekswalidad. Tunay na nakalulungkot na ikinakabit na ito sa mga makamundong ideya, pero kung itutuwid natin ang mga ito at pahahalagahan ang positibong aspeto nito, huwag tayong gagamit ng panlilinlang at pananakot. Tandaan natin ang paalala sa Mga Kawikaan 18:21: “Ang buhay at kamatayan ay sa dila nakasalalay.”

Sumainyo ang katotohanan. 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pahirapang dagdag-sahod

 5,001 total reads

 5,001 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 87,013 total reads

 87,013 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 188,740 total reads

 188,740 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 225,528 total reads

 225,528 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 255,988 total reads

 255,988 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pahirapang dagdag-sahod

 5,003 total reads

 5,003 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 87,015 total reads

 87,015 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 188,742 total reads

 188,742 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 225,530 total reads

 225,530 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »
Scroll to Top