Pagbabago sa larangan ng trabaho

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,198 total reads

Kapanalig, iba na ang mundo ng trabaho sa ating panahon ngayon. Ang mga pagbabagong ito ay mas napabilis dahil sa pandemyang bumalot sa mundo. Dati, mataas pa ang hesitancy o pag-aalangan sa digitalization. Ngayon, niyakap na ito ng karamihan dahil wala silang choice o pagpipilian. Ang fourth industrial revolution o industry 4.0 ay hindi na lamang umuusbong, ito ay umiiral na.  Ano ba ang implikasyon nito sa larangan ng trabaho sa ating bansa?

Ayon sa JobsFit report ng Department of Labor and Employment, ang IT-BPM (Information Technology and Business Process Management) ay key employment generator sa bansa. Sakop nito ang mga serbisyo gaya ng voice at IT software services—call center, data transcription, animation, digital content/game development, software development at iba pa. Patuloy na tumataas ang revenues sa sector na ito. Noong 2016, $22.9 billion ang kita nito. Inaasahang tataas pa ito ng $38.9 billion sa 2022.   Siyam na syudad sa Maynila ang may malakas na IT-BPM sector: Metro Manila, Cebu City, Davao City, Sta. Rosa, Laguna, Bacolod City, Iloilo City, Dumaguete, Bagiuo City, at Clark.

Sa paglago ng IT-BPM sector sa bansa, maraming adjustments at paghahanda ang kailangang gawin ng ating lipunan. Una na rito ay ang pagsasa-ayos ng pagsasanay o training para masiguro ang kahandaan ng ating mga manggagawa. Matagal ng isyu sa ating bayan ang kakulangan sa job matching sa labor market. Ngayong mabilis na ang pagbabago sa world of work, dapat lang na  mas mabilis nating maisaayos ito, dahil kung hindi, kulelat na naman tayo. Ayon pa rin sa  JobsFit Report ng DOLE, halos kalahati ng mga walang trabaho sa bansa ay binubuo ng mga young adults na first time papasok sa job market. Marami sa kanila, kulang ang kasanayan para sa mga trabahong umiiral sa merkado ngayon.

Pagdating sa paghahanda sa mga makabagong trabaho, hindi lamang ang pamahalaan ang nakataya. Ang mga manggagawa din, lalo na ang mga may kakayahan, ay may responsibilidad ding tantyahin ang mga maaring pagbabago sa merkado upang makasabay sa mga hinihingi ng mga industriya ngayon. Kailangan pumili ng mga kurso at mga training na tunay na magagamit sa trabaho upang masiguro na sa panahon ng pagtatapos, may trabahong naghihintay.

Pero siyempre, ang pamahalaan ay kailangang maglikha ng mga trabaho sa bayan. Kailangan dumami ang mamumuhunan sa atin. Hindi mangyayari yan kung laging may patayan sa bayan, palpak ang kapulisan, magulo ang pulitika, at tumataas ang bilang ng mga may COVID sa bansa.

Ang pagbabago sa larangan ng trabaho ay maari nating mas ma-maximize kung ang lipunan natin ay maagap, mapayapa, at malusog. Kaya’t sana, magawa na natin ito upang mabawasan na natin ang dami ng walang trabaho sa ating bayan. Ayon nga sa Quadregisimo Annos: Every one should put his hand to the work which falls to his share, and that at once and straightway, lest the evil which is already so great become through delay absolutely beyond remedy. Those who rule should avail themselves of the laws and institutions of the country; the wealthy owners must be mindful of their duty; the working class, whose interests are at stake, should make every lawful and proper effort.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 113,508 total reads

 113,508 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 251,331 total reads

 251,331 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 367,107 total reads

 367,107 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 482,989 total reads

 482,989 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 113,509 total reads

 113,509 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 251,332 total reads

 251,332 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 367,108 total reads

 367,108 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »
Scroll to Top